Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BJMP at Bureau of Corrections, pinaalalahanan ng CBCP sa karapatan ng PDL’s na bumoto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 669 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa namamahala sa mga bilangguan sa bansa kaugnay sa karapatang makaboto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) para sa May 9, 2022 elections.

Ayon kay Legazpi Bishop Joel Baylon – Chairman ng kumisyon, mahalagang tiyakin ng namamahala sa mga bilangguan na mapanatili at magamit ng mga PDLs ang kanilang karapatang bumoto kahit nakakulong.

“If there is any concern that I’d like to address, it is addressed to those in charge of our prisons, that they assure those PDLs who have the right to vote be given this opportunity to exercise this right.” pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Baylon na sa kabila ng sitwasyon at pagkakabilanggo ng mga P-D-L ay mayroon patas na karapatan at tungkulin ang mga ito na maghalal ng mga karapat-dapat lider ng bansa.

Nilinaw ng Obispo na walang pinagkaiba ang panawagan ng Simbahang Katolika sa bawat botante at sa mga P-D-L na bumoto para sa kabutihan at kapakanan ng bayan batay sa katotohanan, konsensya, paniniwala at pananampalataya.

“I don’t think PDLs need to be addressed as a special group since what is expected of everybody is expected of them as well – which is, to vote wisely upholding always the truth, justice & concern for the common good, when they cast their votes.” Dagdag pa ni Bishop Baylon

Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) may aabot sa 51,700 ang bilang ng mga rehistradong botante na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na maaaring bumoto sa halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Sa ilalim ng panuntunan ng COMELEC para sa Persons Deprived of Liberty (PDL) Voting, tanging national positions lamang ang kabilang sa kinakailangang ihalal ng mga ito na kinabibilangan ng pangulo, pangalawang pangulo, 12-senador at isang party-list group.

Magtatakda ng mga jail facility ng Special Polling Place kung saan maaaring bumoto ang mga rehistradong PDLs mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa mismong araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 46,165 total views

 46,165 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 113,653 total views

 113,653 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 134,718 total views

 134,718 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 156,581 total views

 156,581 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 190,493 total views

 190,493 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top