Unang hakbang sa pagbabago

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

Mga Kapanalig, sumapit na nga ang pinakamahalagang araw sa ating demokrasya. Ngayong araw, pipili tayo ng mga bagong lider ng ating bayan—mula sa pangulo at ikawalang pangulo hanggang sa mga alkalde at konsehal sa ating lugar. Nasa kamay ng 67.5 milyong rehistradong botante sa loob at labas ng bansa ang kahihinatnan ng ating bansa sa susunod na mga taon. Kaya naman, maituturing ang araw ng eleksyon na unang hakbang sa pagbabago.

Ang kapangyarihang pumili ng mamamayan ng mga mamumuno sa kanila ang isang aspeto ng demokrasyang pinahahalagahan ng ating Santa Iglesia. Walang pinapaborang porma ng pamahalaan (o form of government) ang Simbahan dahil ang mahalaga ay ang pagkamit sa kabutihan ng lahat o common good. Ang mga porma ng pamahalaan, kabilang ang demokrasya, ay means o kaparaanan lamang, hindi ang mismong end o pangunahing layunin. Gayunman, pinapahalagahan natin ang demokrasya dahil tinitiyak nito ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pagpili ng kanilang mga lider. Pinapanagot din nito mga pinunong lumilihis sa kanilang sinumpaang tungkulin, at kung kinakailangan, pinapalitan sila sa mapayapang paraan katulad ng halalan. Dagdag pa ng Catholic social teaching na Centesimus Annus, posible ang tunay na demokrasya (o authentic democracy) kung umiiral ang mga batas at kung nakaugat ito sa tamang pag-unawa at pagkilala sa dignidad ng tao.

Marahil, hindi madaling maunawaan ng marami sa atin ang kahalagahan ng demokrasya. Ang mga mali sa demokrasya, kumbaga sa sakit sa katawan ng tao, ay malayo sa ating bituka. Hindi madaling makita ang kaugnayan nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Mapapakain ba tayo ng demokrasya? Mapag-aaral ba nito ang ating mga anak? Magkakaroon ba tayo ng magandang trabaho dahil dito? Tataas ba ang suweldo ng mga manggagawa? Aangat ba ang buhay ng mga dukha dahil sa demokrasya? Hindi madaling magbigay ng direktang sagot sa mga tanong na ito.

Ngunit subukan natin tumutok sa isang aspeto nito: ang pagboto. Noong 2016, pumili tayo ng mga lider ng bansa, at ang mga nanalo noon ang pinakatiwalaan nating mamamahala sa atin. Mula sa araw na iyon, anu-ano ang masasabi mong pagbabago sa iyong buhay? Kumusta ang iyong trabaho? Nakapagtatabi ka ba mula sa iyong suweldo o nauuwi lang sa mga gastusin? Kumusta ang pag-aaral ng iyong mga anak, lalo na nitong may pandemya? Noong may nagkasakit sa iyong pamilya, nakapunta ba kayo sa ospital? Mabigat ba sa bulsa ang inyong naging gastos? Kung nakaraos—o umunlad pa—ang iyong pamilya nitong huling anim na taon, mapalad kayo.

Ngunit hindi lahat ay kasimpalad ninyo. Marami ang nawalan ng trabaho nang magsara ang mga negosyo noong pandemya. Marami ang umasa sa ayudang ilang araw lang napakinabangan. Maraming bata ang hindi na nakakapag-aral. Marami ang namatayan ng kapamilya, hindi lamang dahil sa pandemya kundi sa mga pagpatay sa ngalan daw ng kaayusan. Ang mga pangyayaring ito, personal man sa ating paningin, ay bunga ng mga desisyon ng mga nasa kapangyarihan. At ang mga nasa kapangyarihan ay ang mga taong pinili ng mga botante noong huling eleksyon. Malayo man sa bituka ang demokrasya, makikita nating may mga ugat ang ating mga personal na pinagdaraanan ngayon sa isang araw noon kung kailan pumili ang mga Pilipino ng ating mga lider.

Mga Kapanalig, anumang pagbabago ang ihatid sa atin ng eleksyon, nawa’y hindi natin makalimutang buong bayan ang makikinabang—o manganganib. Wika nga sa 1 Corinto 12:26, “Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.” Ganito rin ang ating buhay sa isang demokrasya. May epekto sa iyo at sa iyong kapwa ang desisyon mo ngayong araw ng eleksyon.

Sumainyo ang katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,712 total reads

 8,712 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,519 total reads

 35,519 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 76,078 total reads

 76,078 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,295 total reads

 102,295 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 150,562 total reads

 150,562 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 171,059 total reads

 171,059 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,520 total reads

 35,520 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 76,079 total reads

 76,079 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,296 total reads

 102,296 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top