Liham Pastoral Pagkatapos ng Halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 165,626 total reads

“Ang Panginoon ay papurihan, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa” (Awit 103:2)

Mga minamahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay,

Katatapos lang ng halalan. Iba’t iba ang damdamin na naglalaro sa puso natin. Huwag tayong magpadala sa mga damdamin o mga sulsol na magpapabigat ng ating puso. Sa halip na magtanong ng BAKIT PANGINOON? ang itanong natin ay: PANGINOON, ANO NGAYON ANG IPINAPAGAWA MO SA AMIN? Alam po natin na hindi lingid sa ating Diyos ang mga nangyayari sa mundong ito, at siya ay nababahala sa lahat. Kahit anumang mangyari, walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos (Rom 8:38). “Sa lahat ng pangyayari tayo’y nakasiguradong magtatagumpay sa pamamagitan ni Kristo na nagmamahal sa atin.” (Rom 8:37)

Maraming mabubuting ginawa ang Diyos sa atin sa halalang ito. Kilalanin natin ang mga ito, ipasalamat sa Kanya, at ipagpatuloy upang hindi masayang. Ipasalamat natin ang maraming nagvolunteer sa halalan. Nandiyan iyong nagvolunteer sa PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting). Hanggang ngayon nagtatrabaho pa sila. Mahalaga ang kanilang papel sa pagsusuri kung maayos ba at makatotohanan ang halalan. Patuloy natin silang ipagdasal at kilalanin ang kabayanihang ginagawa nila.

Marami rin ang nagvolunteer para sa mga kandidato na pinaniniwalaan nila. Tumaas ang antas ng pagkamulat ng marami sa kalagayahan ng ating bansa at marami ay nag-ambag ng kanilang panahon, pagsisikap, pagmamalasakit at yaman para sa ikabubuti ng bayan. Hindi po nababalewala ang mga ito. Ang lahat ng kabutihan ay magbubunga ng kabutihan.

Dito sa mga munisipio ng Northern Palawan, marami akong nababalitaan na mga kandidato na namigay ng pera noong panahon ng kampanya. Pero nakikita na natin sa resulta ng halalan na hindi nagpapadala ang mga tao sa mga perang inaalok at binibigay sa kanila. Mas nagiging matalino na ang mga tao at hindi sila nagpapabili. Hindi nila ipinagbibili ang bayan. Sa susunod na mga halalan sana naman matuto rin ang mga politiko na hindi ang pera ang makapagpapanalo sa kanila kundi ang kanilang pakikiisa at paglilingkod sa taong bayan, may posisyon man sila sa pamahalaan o wala.

Isang nakapagbibigay ng pag-asa sa atin ay ang maraming tao, lalo na ang mga kabataan, na naging mulat sa kanilang pakikilahok sa politika. Ang politika ay hindi marumi. Ito ay isang paraan upang makapaglingkod para sa maayos na pamumuno sa bayan. Kung maayos ang pamumuno, mas lalong maraming mga kababayan na aangat sa buhay. Ipagpatuloy po natin ang ating political engagements, kahit tapos na ang halalan. Subaybayan natin ang gagawin ng mga nahalal. Panagutin natin sila sa tiwala ng taong bayan na lumuklok sa kanila sa kanilang puwesto. Dapat nilang gawin ang kanilang tungkulin nang matuwid. Bantayan natin sila at punahin kung kinakailangan. Ating pera ang ginagamit nila at sila ay pinapasahod natin.

Tapos na ang halalan. Sinusuri pa natin kung ito nga ba ay makatotohanan. Sana isinasalamin nito ang tinig ng bayan. Dahil sa tapos na ang halalan, sikapin na natin na magtulungan para sa ikabubuti ng pangkalahatan. Sana maging patas ang paningin ng mga nanalo na paglingkuran ang mga nangangailangan at hindi lang ang mga bumoto sa kanila. Sila ay lingkod ng lahat at hindi lang ng mga kakampi nila. Sana maging mabuti ang puso ng mga natalo. Makipagtulungan sila sa lahat para sa ikabubuti ng taong bayan. Ibigay nila ang kanilang kooperasyon sa mga namumuno kung wasto naman ang pamumuno ng mga ito.

Sana ang totoong nanalo sa halalang ito ay ang bayang Pilipinas. Patuloy nating ipagdasal at paglingkuran ang Pilipinas. Isa lang ito, at atin ito!

Ang sumasainyo kay Kristo,

+ Broderick S. Pabillo
Obispo ng Bikaryato ng Taytay

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 83,667 total reads

 83,667 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 124,227 total reads

 124,227 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 147,031 total reads

 147,031 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 195,299 total reads

 195,299 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 214,119 total reads

 214,119 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 269,475 total reads

 269,475 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 390,642 total reads

 390,642 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top