Ang pagmamataas ay nagpapababa sa ating pagkatao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 963 total reads

Ito ang pagninilay ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon.

Ayon sa Obispo, ang pagtaas ng sarili sa pamamagitan ng kayabangan ay nagbubunga ng kasalanan na dahilan ng higit na pagkawalay sa Panginoon.

Iginiit ni Bishop David na sa halip na tumaas ay bumababa lamang ang dangal ng isang taong itinataas ang sarili.

“Kapag itinataas ng tao ang sarili niya sa kayabangan, ang ibinubunga nito ay K din, as in KASALANAN. Nalalayo siya o nawawalay sa Diyos. Imbes na tumaas, bumababa ang ating dangal. Ang pagmamataas ay nagpapababa sa ating pagkatao,” pagninilay ni Bishop David.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ng diwa ng pag-akyat sa langit ng Panginoon ay ang usapin ng pagbaba ng pagkatao ng sangkatauhan dahil sa pagmamataas na dulot ng tukso na magkunwaring Diyos o magdiyos-diyosan.

Tinukoy ni Bishop David na kung matukso ang bawat isa sa kanyang tinaguriang tatlong delikadong ‘K’ na kapangyarihan, kayamanan at katanyagan ay mawawala ang “Tatlong Tunay na K” sa mata ng Diyos ang kabutihan, kagandahan at katotohanan na pawang mga pundasyon ng tunay na karangalan ng bawat nilalang.

“Ito naman talaga ang background ng Ascension: ang pagbaba ng ating pagkatao dahil sa pagmamataas, dahil sa pagkahulog ng tao sa tukso na magkunwaring Diyos o magdiyos-diyosan. Ito kasi ang nangyayari kapag nahuhumaling ang tao sa makamundong kapangyarihan, kayamanan at katanyagan, ang tinatawag kong “Tatlong Delikadong K.” Noon siya nawawalan ng “Tatlong Tunay na K” sa mata ng Diyos — kabutihan, kagandahan, katotohanan — ang mga pundasyon ng tunay nating karangalan,” dagdag pa ni Bishop David.

Iginiit ng Obispo na walang ibang magtataas sa tao kundi ang Panginoong Diyos.

“Ang ‘Ascension’ ay pagtataas ng Ama kay Kristo dahil sa kanyang pagpapakumbaba. Walang magtataas sa tao kundi ang Diyos mismo. Tulad ng nasabi ko sa simula, hindi natin dapat itaas ang ating sariling bangko. Pagyayabang iyon,” paglilinaw ng Obispo.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,164 total reads

 4,164 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,083 total reads

 28,083 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,643 total reads

 68,643 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,232 total reads

 95,232 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,498 total reads

 143,498 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,307 total reads

 164,307 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,165 total reads

 4,165 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 8,906 total reads

 8,906 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top