Appointment ng economic managers ni BBM, umani ng suporta

SHARE THE TRUTH

 498 total views

Kinatigan ng financial analyst na si Astro Del Castillo ang pagkakatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ng “economic czars” na mangangasiwa sa ekonomiya ng Pilipinas.

Magiging economic czars ni B-B-M sina Alfredo Pascual bilang secretary ng Department of Trade and Industry (DTI), Arsenio Balisacan na magiging National Economic and Development Authority (NEDA) chief, at Benjamin Diokno na kalihim ng Department of Finance (DOF).

“Wini-welcome namin yung appointment ni incoming president BBM, halos kasamahan din namin sa finance and investment industry sina Secretary Diokno, bilang ekonomista kilala din naman natin si Secretary Balisacan, Talagang expert sila sa kanilang industriya at sa kaniya-kaniyang field at may experience,” pahayag ni Del Castillo sa Barangay Simbayanan program ng Radio Veritas

Bukod sa pagkilala sa pagkaka-talaga kay Alfredo Pascual ay ipinabatid ni Del Castillo ang kahalagahan na matutukunan ng susunod na kalihim ng DTI ang suportang higit na kinakailangan ng maliliit na negosyo.

Nilinaw ni Del Castillo na mas marami ang bilang ng mga manggagawa sa Micro Small and Medium Enterprises (MSME) kumpara sa mga malalaking kompanya o korporasyon na umaabot sa 65-porsiyento.

Iminungkahi din ni Del Castillo na tutukan ng mga susunod na economic managers lalu ng kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang pangangailangan ng lokal na sektor ng agrikultura sa Pilipinas.

“Isa yan sa concern namin sa agriculture, sana ang ma-appoint ay si Angelique sa DA, talagang Techonocrat. Napaka-importante ng food insutry lalo na ngayon may food crisis tayo na inamin ng gobyerno at sinasabi rin ng mga expert sa ibang bansa, especially nabanggit nga noong World Economic Forum ng mga international expert sa ekonomiya at sa ibat-ibang bansa,” pahayag ni Del Castillo

Ipinaliwanag ni Del Castillo na mahalagang magkaroon ng balanseng pamamahala ang susunod na Agriculture Secretary sakali mang maisabatas ang Regional Comprehensive Economic Partnership upang mapalakas ang export at import industry ng Pilipinas habang pinapalakas ang produksyon ng lokal na agriculture sector.

Unang tiniyak ng Caritas Manila ang pagpapalakas ng Economic Empowerment Programs upang matulungan ang mga mahihirap na magkaroon ng dignidad at maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 3,499 total views

 3,499 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 18,143 total views

 18,143 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 32,445 total views

 32,445 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 49,330 total views

 49,330 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 96,832 total views

 96,832 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

YSLEP, kinilala ng MOP

 1,621 total views

 1,621 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top