Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang pagmamataas ay nagpapababa sa ating pagkatao

SHARE THE TRUTH

 549 total views

Ito ang pagninilay ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon.

Ayon sa Obispo, ang pagtaas ng sarili sa pamamagitan ng kayabangan ay nagbubunga ng kasalanan na dahilan ng higit na pagkawalay sa Panginoon.

Iginiit ni Bishop David na sa halip na tumaas ay bumababa lamang ang dangal ng isang taong itinataas ang sarili.

“Kapag itinataas ng tao ang sarili niya sa kayabangan, ang ibinubunga nito ay K din, as in KASALANAN. Nalalayo siya o nawawalay sa Diyos. Imbes na tumaas, bumababa ang ating dangal. Ang pagmamataas ay nagpapababa sa ating pagkatao,” pagninilay ni Bishop David.

Paliwanag ng Obispo, bahagi ng diwa ng pag-akyat sa langit ng Panginoon ay ang usapin ng pagbaba ng pagkatao ng sangkatauhan dahil sa pagmamataas na dulot ng tukso na magkunwaring Diyos o magdiyos-diyosan.

Tinukoy ni Bishop David na kung matukso ang bawat isa sa kanyang tinaguriang tatlong delikadong ‘K’ na kapangyarihan, kayamanan at katanyagan ay mawawala ang “Tatlong Tunay na K” sa mata ng Diyos ang kabutihan, kagandahan at katotohanan na pawang mga pundasyon ng tunay na karangalan ng bawat nilalang.

“Ito naman talaga ang background ng Ascension: ang pagbaba ng ating pagkatao dahil sa pagmamataas, dahil sa pagkahulog ng tao sa tukso na magkunwaring Diyos o magdiyos-diyosan. Ito kasi ang nangyayari kapag nahuhumaling ang tao sa makamundong kapangyarihan, kayamanan at katanyagan, ang tinatawag kong “Tatlong Delikadong K.” Noon siya nawawalan ng “Tatlong Tunay na K” sa mata ng Diyos — kabutihan, kagandahan, katotohanan — ang mga pundasyon ng tunay nating karangalan,” dagdag pa ni Bishop David.

Iginiit ng Obispo na walang ibang magtataas sa tao kundi ang Panginoong Diyos.

“Ang ‘Ascension’ ay pagtataas ng Ama kay Kristo dahil sa kanyang pagpapakumbaba. Walang magtataas sa tao kundi ang Diyos mismo. Tulad ng nasabi ko sa simula, hindi natin dapat itaas ang ating sariling bangko. Pagyayabang iyon,” paglilinaw ng Obispo.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,623 total views

 83,623 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,398 total views

 91,398 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,578 total views

 99,578 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 115,109 total views

 115,109 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 119,052 total views

 119,052 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,859 total views

 23,859 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,531 total views

 24,531 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top