100-percent F2F classes, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commision on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) ang layunin ng Department of Education (DepEd) na maipatupad sa lahat ng paaralan sa buong Pilipinas ang 100% face to face classes.

Ayon kay Bayombong Bishop Elmer Mangalinao, Chairman ng CBCP-ECCCE, kasiyahan ang idudulot ng pahayag para sa mga mamamayan, magulang, guro at mag-aaral na nais ng makabalik sa pisikal na pagdalo sa mga paaralan.

“Sa panukala ng DepEd na magbukas na sa susunod na panturuang taon 2022-2023 na face to face ay napakalaking kasiyahan sa maraming tao ang ganito kaalaman, sapagkat ito ang hinihintay ng marami na magkakaroon na tayo ng face to face schooling ng ating mag-aaral. Welcome gift- welcome announcement yung sinabi nila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Mangalinao.

Ipinapaalala naman ng Obispo sa mga paaralan na ipatupad parin ng mahigpit ang health protocols upang matiyak na ligtas ang mga guro, mag-aaral at kawani ng paaralan mula sa banta ng COVID 19 virus.

Hinimok muli ng Obispo ang mga magulang at guardians na makikiisa at pabakunahan ang kanilang mga inaalagaang estudyante.

“Isa siguro na napakamagandang magagawa yung talang himukin ang mga bata sa pamamagitan ng pagpayag ng mga magulang na sila ay mabakunahan, kapag ang mga bata ay may bakuna mas malaking porsyento na sila ay hindi matamaan o mahawaan ng mga virus na ito kasi everything is in already in place in most of our schools so we just need to ensure that students will be as healthy as they should,” ayon pa kay Bishop Mangalinao.

Batay sa pinakahuling ulat ni Education Secretary Leonor Briones, 34-libong mga public school at higit sa 1,100-private schools noong May 26 ang nagdaraos na ng face-to-face classes.

Base rin sa datos ng DepEd noong Mayo ay 73.28% na ng mga paaralan sa parehong pribado at pampublikong sektor ang handa ng magdaos ng face-to-face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 23,380 total reads

 23,380 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 121,910 total reads

 121,910 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 166,181 total reads

 166,181 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 189,290 total reads

 189,290 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 263,196 total reads

 263,196 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 26,190 total reads

 26,190 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top