Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 494 total views

Isa sa pinakamalaking burden o pasanin ng maraming pamilyang Filipino ngayon ay utang. Sa hirap ng buhay, utang na ang nagtatawid sa gutom ng maraming mga kababayan natin ngayon. Maliit kasi ang sweldo ng karamihan habang pataas naman ng pataas ang presyo sa pamilihan.

Ayon nga sa isang pag-aaral noong 2021, mga 70% ng Filipino ang stressed na sa kanilang mga utang. Marami sa atin, ayon sa pag-aaral na ito, ay nag-alala  sa kanilang financial situation. Ito ay ang pinakamataas na bilang ng mga taong nag-aalala sa utang sa siyam na bansa na kasama sa pag-aaral.

Ayon pa sa mga Filipinong kasama sa survey, 67% sa kanila ay “overwhelmed”  na sa kanilang mga utang, at 60% din sa kanila ay nahihirapang magbayad ng kanilang mga bills o bayarin dahil na rin sa utang. 63% din ang nagsabi na hindi sila maka-ipon dahil sa utang.

Kahit pa nga overwhelmed ang marami sa utang, tumaas pa rin ng bahagya ang bilang ng mga kabahayan o households na umutang nitong nakaraang taon. Ayon sa datos ng BSP nitong unang sangkapat o quarter ng 2022, 25.8% o isa sa apat na kabahayan ang natalang nangutang nitong nakaraang taon, kumpara sa 24.2% noong sangkapat ng 2021.Karamihan sa naka-utang noong nakaraang taon ay mula sa middle income group, habang may mga kababayan din tayong hirap maka-utang dahil sa dami ng requirements, masyadong mababang income para sa loan, at kawalan ng kolateral.  Karamihan sa mga inutang na pera ay ginastos ng ating  mga kababayan para sa basic goods.

Kapanalig, kapag ang mga mamamayan ay nangungutang para lamang masustento ang pangunahing pangangailangan, dapat ng ma-alarma ang ating bayan. Nangangahulugan ito na  hirap na ang tao. Kapag mas mabilis lumaki ang utang kaysa sa kita, magdudulot ito hindi lamang ng gutom, banta rin ito sa kaayusan ng pamilya pati na sa kanilang physical at mental health. At kung mas marami sa atin ang maiipit sa ganitong sitwasyon, may epekto rin ito sa kaayusan sa ating komunidad, pati sa bilis o bagal ng kaunlaran nito.

Kapanalig, ang pagkaka-utang ng maraming mamamayan ay senyales ng malaking problema sa bayan. Kung ang mga mamamayan ay kailangan pang umutang para lamang umabot sa susunod na bigayan ng sweldo, nagkukulang na ang pamahalaan. Ayon nga sa Rerum Novarum: ang pinakamahalagang tungkulin ng mga pinuno ng estado ay tiyakin na ang mga batas at institusyon, ang pangkalahatang katangian at pangangasiwa ng bayan, ay matatamo ang pampublikong kagalingan at pribadong kaunlaran. Ngayong panahon ng napakataas na presyo ng gas at ng antas ng inflation, nag-aabang ang mga mamamayan sa mga solusyong maaaring mailapat ng pamahalaan. Darating kaya ito bago pa malunod ang mga mamamayan sa utang?

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 118,432 total views

 118,432 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 162,040 total views

 162,040 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 243,553 total views

 243,553 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 250,681 total views

 250,681 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 118,433 total views

 118,433 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 162,041 total views

 162,041 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 243,554 total views

 243,554 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top