Mga Pilipino, hindi pa ganap na malaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 950 total reads

Malawak pa ang pangangailangan ng bansa para sa kalayaan sa iba’t ibang larangan.

Ito ang ibinahagi ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Raymond Daniel Cruz, Jr. kaugnay sa paggunita ng bansa sa 124th Independence Day o Araw ng Kalayaan sa ika-12 ng Hunyo, 2022.

Ayon kay Cruz, higit na makabuluhan ang paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong taon kung saan hinahangad ng bawat isa ang kalayaan sa COVID 19 pandemic, kalayaan sa kasinungalingan, siraan, pagkakawatak-watak at kahirapang pampisikal at pang-espiritwal.

“Napaka-makabuluhan ng darating na Araw ng Kalayaan. Ito ay dahil napakahigpit ng pangangailangan natin ng kalayaan sa maraming bagay. Kalayaan sa COVID, sa pagkakawatak-watak, sa kasinungalingan at siraan, at sa kahirapan na pisikal at maging espiritual.” Pahayag Cruz sa Radio Veritas

Aminado si Cruz na hindi biglaang matatamo ang kalayaan mula sa mga sitwasyong ito ay mahalaga naman ang sama-samang pagsusumikap ng bawat isa na makamit ito.

Iginiit ni Cruz na makakamit ang ganap na kalayaan sa pagtulong sa kapwang nangangailangan at maysakit, i-alay ang sarili para sa katotohanan at kagandahang asal, pagpapa-unlad ng moralidad at pagkakabuklod-buklod.

“Sana ay maging masidhi ang pagnanasa ng ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan, na ipaglaban ang mga kalayaang ito. Bagamat hindi biglaan na matatamo ang mga ito, ang bawat isa ay dapat lamang mag-ambag, araw-araw ng maliliit na alay. Alay para makatulong sa may sakit, alay para sa pagkakabuklod-buklod, alay para sa katotohanan at kagandahang asal, alay para mapaunlad ang ating kamalayan at moralidad.” Dagdag pa ni Cruz.

Binigyang diin naman ni Cruz ang kahalagahan ng patuloy na pananalangin para sa kapakanan at patuloy na kalayaan ng bayan mula sa anumang uri ng paniniil o panlulupig sa bansa.

“Itaas natin ang ating watawat na may bulong at panalangin: “Lupang hinirang, duyan ka ng magiting.” Sa kahit anong pagsubok: “di ka pasisiil! Panginoon, ina-alay namin ang lupang hinirang mo upang maging duyan at bayan ng mga magiting. Bigyan mo kami ng tibay upang patuloy na ipaglaban ang aming kalayaan at kailanman ay di mag-pasiil sa ano mang uri ng panlulupig, Amen!”

Binigyan diin naman ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na ang totoong kalayaan ay nakaugat sa katotohanan at maayos na kalusugan.

Read: Totoong kalayaan, nakaugat sa katotohanan at maayos na kalusugan ⁠— Archbishop Tirona

Tema ng 124th Independence Day o Araw ng Kalayaan ngayong taon ang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas (Rise Towards the Challenge of a New Beginning)”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 18,468 total reads

 18,468 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 117,219 total reads

 117,219 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 161,487 total reads

 161,487 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 184,599 total reads

 184,599 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 258,696 total reads

 258,696 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top