Totoong kalayaan, nakaugat sa katotohanan at maayos na kalusugan ⁠— Archbishop Tirona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,755 total reads

Ang tunay na kalayaan ay nakaugat sa katotohanan at maayos na kalusugan ng bawat mamamayan.

Ito ang mensahe ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa paggunita ng bansa sa 124th Independence Day o Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Arsobispo, ang tunay na diwa ng kalayaan sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic ay ang patuloy na pagsusulong ng katotohanan at mabuting kalusugan.

Tinukoy ni Archbishop Tirona ang kapakanan ng mga kabataan na maging mulat sa mga nagananap at estado ng bansa.

“Ang tunay na kalayaan ay nakaugat sa katotohanan at kalusugan ng mga mamamayan, lalo na ang mga kabataan. Sa pag-gunita natin ng Araw ng Kalayaan, patuloy nating ipaglaban ang katotohanan at kalusugan ng spirito, isip at katawan ng bawat mamamayan. Ipanalangin natin ang ating bansa at ipagdiwang ang ating Kasarinlan. Mabuhay ang Pilipinas!” pahayag ni Archbishop Tirona sa Radio Veritas.

Tema ng 124th Independence Day o Araw ng Kalayaan, ang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas (Rise Towards the Challenge of a New Beginning)”.

Layunin ng tema ng Araw ng Kalayaan ngayong taon ay upang bigyang diin ang sama-samang pag-ahon ng bawat Pilipino mula sa iba’t ibang hamon na kinaharap ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 19,976 total reads

 19,976 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 118,665 total reads

 118,665 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 162,934 total reads

 162,934 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 186,045 total reads

 186,045 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 260,086 total reads

 260,086 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top