665 total views
Ipagdiriwang ng Archdiocese of Davao ang pananatiling matatag ng mga munting pamayanan sa lugar o ang ‘Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (GKK).’
Sa sirkular na inilabas ni dating CBCP President Archbishop Romulo Valles, ikinagalak nito ang higit na paglago ng GKK sa Davao region na kasalukuyang nasa 50 taong naglilingkod sa pamayanan.
Dahil dito hinimok ni Archbishop Valles ang mananampalataya na makilahok sa mga gawaing pasasalamat sa Panginoon sa biyayang patatagin ang munting pamayanan sa pagmimisyon.
Itinakda ng arkidiyosesis ang pagdiriwang mula June 10, 11 at 12 sa temang ‘GKK, Gasa Diyos sa Davao, Nanag-uban sa Panaw sa Diwa sa Pagka-Piniyalan, 50 Anyos na sa Misyon.’
“We hope to achieve the objectives: to remember with thanksgiving the giftedness of the BEC for the past 50 years; to celebrate joyfully our identity as stewards; and to continue the synodal journey of communion-in-mission through participation, dialogue and co-responsibility,” ani sa pahayag ni Archbishop Valles.
Sa unang araw ng pagdiriwang inaasahang magtitipon ang 1, 656 GKK ng buong arkidiyosesis kung saan itatampok ang iba’t ibang kasaysayan ng pagsimula ng bawat pamayanan.
Sa ikalawang araw magtatalaga ng dalawang oras na radio program sa DXGN Spirit FM Davao sa temang ‘GKK: Gasa sa Diyos sa Davao’ na pangungunahan ni Vicky Estoque- Anghag, Fr. Pete Lamata at Bishop George Rimando.
Sa huling araw sa June 12 kasabay ng kapistahan ng Banal na Santatlo at BEC Sunday ay pangungunahan ni Archbishop Valles ang banal na misa sa San Pedro Cathedral sa alas otso ng umaga para sa Send-Off ceremony ng mga tagapangasiwa ng bawat GKK.
Batay sa kasaysayan 1971 nang magsimulang lumaganap sa arkidiyosesis ang GKK o BECs na hanggang sa kasalukuyan ay katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng misyon.