Pagmimina, kakarampot ang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,294 total reads

Iginiit ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan na maliit na epekto lamang ang maibabahagi ng industriya ng pagmimina sa ekonomiya ng bansa.

Ito ang pahayag ng Arsobispo bilang pakikiisa sa panawagan ng Diyosesis ng Marbel at mamamayan ng lalawigan ng South Cotabato sa kinakaharap na problema sa pagmimina.

Ayon kay Archbishop Cabantan, ang muling pagpapahintulot sa operasyon ng pagmimina ay hindi makakatulong sa pagbangon ng bansa mula sa mga krisis kundi magpapahirap pa sa kalagayan ng mamamayan at ng kalikasan.

“It means more hardships among the people than the economic benefits gain for a while, not only in the near vicinity but also in other areas that will be affected,” ayon kay Archbishop Cabantan sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng Arsobispo na matinding panganib rin ang inaasahan sakaling matuloy ang pagmimina sa South Cotabato lalo na sa bayan ng Tampakan.

Ang mismong lugar na binabalak buksan para sa operasyon ng pagmimina ay malapit sa Mount Matutum na isang aktibong bulkan.

“Based on the presentation that the Diocese of Marbel presented backed by scientific data, in the long run it causes much destruction to the environment especially that it’s located where there are faultlines since it’s near the volcano,” saad ni Archbishop Cabantan.

Hinihiling naman ng Arsobispo na nawa’y magbunga ang pagpapawalang-bisa ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. sa pag-amyenda ng provincial environment code.

Dalangin ng Arsobispo ang pagsuporta ng iba pang opisyal ng Sangguniang Panlalawigan upang mapanatiling ligtas ang kapaligiran at mamamayan ng South Cotabato sa panganib ng mapaminsalang pag-unlad.

“We hope and pray that the new Sangguniang Panlalawigan officials will support Governor Tamayo in vetoing the lifting of the ban,” dagdag ng Arsobispo.

Hunyo 3, 2022 nang pagtibayin ni Gov. Tamayo ang pagsasawalang-bisa sa ordinansa hinggil sa pag-amyenda sa Provincial Environment Code ng South Cotabato, at pagpapanatili sa pagbabawal sa open-pit mining sa lalawigan.

Ito ang nagbigay muli ng pag-asa sa mga mamamayan lalo na sa mga katutubo ng lalawigan tungo sa kaligtasan ng mga likas na yaman at mga katutubong lupain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 19,958 total reads

 19,958 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 118,649 total reads

 118,649 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 162,918 total reads

 162,918 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 186,029 total reads

 186,029 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 260,070 total reads

 260,070 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,724 total reads

 144,724 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top