Krisis sa transportasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,119 total views

Mga Kapanalig, sa tinatawag na “Duterte Legacy Summit” na ginaganap noong katapusan ng Mayo, ipinagmalaki ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade na napabuti ng gobyerno ang transportasyon sa bansa at naging maginhawa ang pagbibiyahe ng mga Pilipino sa nakalipas na anim na taon. Daan-daang paliparan at pantalan ang naipaayos at naipatayo. Kilu-kilometrong riles ng tren ang kasalukuyang tinatapos. At marami pang proyekto ang nakalinya at malapit nang simulan. Hindi man daw nasolusyunan ng kagawaran ang lahat ng problema natin sa transportasyon, tanggapin daw nating marami itong nagawa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ngunit tila pikit-mata ang ating pamahalaan sa araw-araw na kalbaryo ng mga ordinaryong mananakay dito sa Metro Manila, kung saan tinatayang 12 milyong mananakay ang dumadaan sa mga lansangan nito bawat araw. Ipinagmamalaki ng DOTr ang libreng sakay sa MRT hanggang sa katapusan ng buwang ito, pero ilang oras ang hinihintay sa pila ng mga pasahero, oras na sana ay nagamit na nila sa mas produktibong gawain o pagpapahinga. Ganito rin ang dinaranas ng mga gumagamit ng EDSA bus carousel na magbibigay din ng libreng sakay hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

Gaya ng inaasahan, maraming mananakay ang natutuwa sa libreng sakay sa MRT, mga bus sa EDSA, at iba pang pampublikong saksakyan katulad ng mga de-aircon na dyip. Ngunit umaaray dito ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan. Nababawasan na raw ang kanilang mga pasahero, bagay na hindi nakatutulong lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng diesel ngunit hindi naman sila makapagtaas ng pamasahe. Ilang transport groups na rin ang humihirit ng taas-pasahe ngunit sinabi na ng DOTr na malabo itong mangyari sa nalalabing araw ng administrasyong Duterte. Noong isang linggo, pinayagan silang magtaas ng piso.

Maraming tsuper na nga ang piniling tumigil sa pamamasada at naghahanap na lang ng ibang mapagkakakitaan dahil luging-lugi sila sa kanilang gastos sa petrolyo kahit pa buong araw na silang bumibiyahe. At dahil nabawasan ang mga pumapasadang dyip sa mga pangunahing lansangan, dagsa ang mga commuters na nag-uunahang makasakay. Hindi na nga nila alintana ang COVID-19. Kahit na siksikan sa mga bus at jeep, titiisin na nila, makarating lamang sa kanilang trabaho o pupuntahan.

Sa huling walong linggo ng pagpapatupad ng libreng sakay sa ilang bus sa EDSA, gumastos na ang gobyerno ng anim na bilyong piso. Samantala, ang halagang sinasalo ng gobyerno sa bawat araw ng libreng sakay sa MRT ay umaabot sa halos limang milyong piso. Malaking halaga na ito para sa isang pansamantalang ayuda sa mga mananakay. Ayon sa National Center for Commuter Safety and Protection, mas mainam na gamitin ang mga pondong ito sa pagpapatupad ng permanenteng solusyon sa trapiko at pagpapahusay sa pampublikong transportasyon.

Gaya ng ipinahihiwatig sa Lucas 12:48, ang ating mga lider na “binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.” Dapat lamang na malaki ang asahan natin sa ating mga pinuno. Hindi tayo dapat makuntento sa mga pampalubag-loob at pansamantalang benepisyo—gaya ng libreng sakay—lalo pa’t may mga kababayan tayong nasasagasaan ng ganitong mga hakbang katulad ng mga tsuper. Sabi nga sa Catholic social teaching na Quadragesimo Anno, trabaho ng mga namumuno ang tiyakin ang kapakanan ng buong bayan at ng mga bumubuo nito. Hindi ito dapat nakatuon lamang sa pagpapabango ng imahe nila.

Mga Kapanalig, ilang administrasyon na nga ang dumaan ngunit problema pa rin natin ang pampublikong transportasyon lalo na rito sa Metro Manila, ang sentro ng komersyo ng bansa. Kung ayaw na itong tugunan ng papaalis na administrasyon, nawa’y sa ilalim ng papalit rito, mabibigyan ng pangmatagalang solusyon ang problemang ito.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 26,806 total views

 26,806 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 26,806 total views

 26,806 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 26,806 total views

 26,806 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 25,888 total views

 25,888 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 23,500 total views

 23,500 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Isa pang state of emergency

 26,807 total views

 26,807 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 26,807 total views

 26,807 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 26,807 total views

 26,807 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 25,889 total views

 25,889 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »
Scroll to Top