Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,392 total reads

Homiliya Para sa Huwebes sa ika-16 na Linggo ng Karaniwang Panahon, 21 ng Hulyo 2022, Mt 13:10-17

Bakit ba kapag iba ang kausap mo, patalinghaga ka kung magsalita? Pero bakit sa aming mga alagad mo pinaliliwanag mo at pinaiiintinding mabuti? Kaya tuloy hindi ka nila maintindihan. Parang ganito ang tanong ng mga alagad kay Hesus. At ang sagot niya ay—natutupad lang sa kanila ang hula ni propeta Isaias. Para mas maintindihan natin, siguro kailangan balikan muna natin ang sinasabi ni Hesus na hula daw ni propeta Isaias.

Nasa Isaiah chapter 6 ang kuwento. Nagpakita daw minsan ang Diyos ng Israel sa propeta sa isang pangitain, nakaupo daw siya sa trono at pinaiikutan ng libo-libong mga anghel. Natakot daw ang propeta dahil ayon sa alam niya, pag nakita ng isang taong makasalanan ang Diyos, ibig sabihin mamamatay na siya. Kaya nasabi niya, “Patay ako. Isa akong taong madumi ang bibig, isang taong makasalanan; pero nakita ko ang Diyos. Samakatuwid mamamatay na ako.” Pero kumuha daw ang isang anghel ng kapirasong uling na nagbabaga at idinampi ito sa kanyang bibig at sinabi sa kanya, “Ayan, malinis ka na.”

Pagkatapos narinig daw ng propeta ang Diyos, tinatanong ang mga anghel kung sino daw ba ang pwede niyang suguin para sa isang misyon. Sumabat-sabat ba naman siya at nagvolunteer: “Ako ho! Kung ibig ninyo, ako na lang po ang isugo ninyo!”

At inexplain daw ng Diyos kung ano ang misyon na ibig niyang ipagawa: “Ok. Heto ang misyon mo. Patitigasin mo ang mga puso ng mga taong kakausapin mo. Kahit anong paliwanag ang gagawin mo, hindi nila maiiintindihan. Magsasara sila ng mata upang hindi makakita, at ng tainga upang hindi makarinig.”

Nabigla ang propeta sa narinig niya. Gusto pa yatang umatras pero napasubo na siya. Ano nga ba namang klaseng misyon ito? Kaya tinanong niya ang Panginoon, HANGGANG KAILAN ko ito gagawin? At ang sagot ay, Hayaan mo lang na maligaw sila ng landas at mapariwara upang sila’y magdusa at matuto mula sa kanilang malaking pagkakamali.

Ito ang sinasabi ni Hesus na matutupad sa mga taong tulad ng mga Pariseo na nagsara din ng puso sa kanyang salita. Totoo nga naman. Sa mga ayaw maniwala, walang sapat na paliwanag. Walang makikita ang mga taong sarado ang isip at puso.

Isa daw sa pinakamasaklap na karanasan ng mga magulang ay ang sandaling magkatotoo ang kanilang babala sa kanilang mga anak, babala na hindi nila pinakinggan at ngayon ay kailangan nilang ipagdusa. Ito ang sandali na sasabihin nila, “Kita mo na kung ano ang ibig naming sabihin sa iyo anak?” Kung nakinig ka lang sana. Laging sa huli ang pagsisisi.

Parang ganyan din ang Diyos sa atin, ito ang paliwanag ni Hesus sa mga nagmamatigas ang puso. Katulad ng bayang Israel na sumubok sa pasensya ng Panginoon sa disyerto sa loob ng apatnapung taon. “Pilit nila akong hinamon at inudyok sa loob ng 40 taon, kahit nasaksihan na nila ang lahat ng aking mga ginawa. Ang mga puso nila ay lumihis, lumayo na sila sa aking landas, kaya sa galit ko’y isinumpa kong hindi sila daranas ng aking pahinga.”

Siguro dito nanggaling ang konsepto natin ng purgatoryo. Pagdurusa na hindi maiiwasan dahil kusa natin pinipili at kailangan munang matuto mula sa pagkakamali. Hindi kaya dapat sabihin na kung minsan pwede rin palang maging daan ng kaligtasan ang mga pagkakamali, kapag ito ay nagsilbi bilang paraan ng pagmumulat?

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 188,191 total reads

 188,191 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 258,797 total reads

 258,797 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 292,246 total reads

 292,246 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 327,546 total reads

 327,546 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 546,490 total reads

 546,490 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 16,979 total reads

 16,979 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 22,627 total reads

 22,627 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 21,889 total reads

 21,889 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top