Sama-samang tugunan ang kahirapan

SHARE THE TRUTH

 205 total views

Mga Kapanalig, upang mapabilis ang paglilinis sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (o 4Ps), iminumungkahi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang pagkakaroon ng mga “tipsters.” Sa sistemang ito, isusumbong ng mga tipsters sa hotline o official Facebook page ng DSWD ang mga ineligible o hindi kwalipikadong maging bahagi ng programa. Kahit sino raw ay maaaring maging tipster. Mayroon namang mga social workers na gagawa ng validation sa mga tip bago ibigay ang pabuyang sanlibong piso sa mga nagsumbong.

Bagamat mahalaga ang pagsasaayos sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps, may mga hindi natuwa sa mungkahi ng kalihim. Tanong ng ilan sa social media: segment ba ang pamamaraang ito sa mga dating TV at Youtube program ng kalihim at kanyang mga kapatid? Kilala ang mga palabas na ito sa pagpapakita ng mga nag-aaway na magkakapamilya at magkakapitbahay kung saan inuungkat at inuusisa ang mga dahilan ng ‘di pagkakasundo at sinusubukang “aksyunan” ang mga ito.

Dismayado naman ang dalawang dating kalihim ng DSWD. Para kay dating Secretary Esperanza Cabral, pagsasabungin nito ang mga miyembro ng komunidad. Inihalintulad pa niya ito sa estratehiya ng mga Hapon noong World War II upang makapag-espiya sa mga komunidad. Ayon naman kay dating Secretary Judy Taguiwalo, magdudulot lamang ito ng pagkakawatak-watak sa mga komunidad. Magtatanim daw ito ng takot at suspetsa sa isa’t isa dahil tila ba nagtatago ang mga hindi kwalipikadong benepisyaryo at kailangan silang isuplong kapalit ng pabuya.

Dagdag ni Senador Koko Pimentel, tungkulin ng DSWD bilang tagapagpatupad ng programa ang paglilinis ng listahan. Ipinaalala niyang ang pondo ng programa ay dapat na mapunta sa mga mahihirap na pamilya. Ang pabuyang sanlibong piso sa mga tipsters ay hindi nalalayo sa 1,200 hanggang 1,400 pisong natatanggap ng isang benepisyaryo sa 4Ps kada buwan. Kung itutuloy daw ang mungkahi ng kalihim, mawawalan ng tunay pokus ang programa. Ang pondo ng programa ay para sa pag-aangat sa kalagayan ng mahihirap at hindi para sa pabuya sa mga tipsters. Kailangan daw masinop na gamitin ng DSWD ang sarili nitong resources nang maisaayos ang pagpapatupad ng 4Ps.

Ang pagkamit sa common good o kabutihang panlahat ay tungkulin ng bawat isa sa atin, ngunit higit na malaki ang papel ng pamahalaan upang maabot natin ito. Common good ang pangunahing rason kung bakit tayo may pamahalaan. Kailangan ang kumpas ng pamahalaan sa pagbabalangkas ng kaunlarang nais nating tunguhin bilang isang bayan. Sa pangunguna ng pamahalaan at kasama ang pakikiisa ng mamamayan, sama-sama nating matutugunan ang mga suliraning ating kinakaharap katulad ng kahirapan.

Kaya naman, hindi dapat ipinapasa sa taumbayan ang trabaho at tungkulin ng DSWD na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps. Dapat ding iwasan ang ‘ika nga’y pagsasabong ng mga miyembro ng komunidad upang matukoy ang mga ‘di kwalipikadong benepisyaryo. Sa halip na ituring ng mga miyembro ng komunidad ang isa’t isa bilang kanilang kapwa at magtulungan sa pag-angat ng kalagayan ng lahat, baka tumingkad pa ang pagkakaiba-iba nila ng estado sa buhay na magdudulot naman ng panghuhusga. Samakatuwid, imbis na mapagtibay ng 4Ps ang samahan at ugnayan sa komunidad, maaari itong magdulot ng hidwaan kung matutuloy ang plano ni Secretary Tulfo.

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa 1 Corinto 12:26-27: “Kapag naghihirap ang isang bahagi, lahat ay naghihirap na kasama niya… Kayo nga ang katawan ni Kristo, at ang bawat isa’y bahagi nito.” Sa huli, magkakakampi tayo sa pagsugpo sa kahirapan. Hindi tayo magkakalaban. Makahanap sana ang DSWD ng mas akmang solusyon sa mga hamon sa pagpapatupad ng 4Ps, at makabuo pa ng mga programang tutulong din sa ibang hindi naaabot ng programang ito.

Sumainyo ang katotohan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 33,222 total views

 33,222 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 38,640 total views

 38,640 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 45,347 total views

 45,347 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 60,142 total views

 60,142 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 66,298 total views

 66,298 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 33,223 total views

 33,223 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 38,641 total views

 38,641 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 45,348 total views

 45,348 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 60,143 total views

 60,143 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 66,299 total views

 66,299 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,474 total views

 40,474 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,058 total views

 51,058 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,275 total views

 59,275 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,508 total views

 43,508 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,484 total views

 49,484 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,577 total views

 52,577 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,282 total views

 42,282 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,170 total views

 43,170 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,473 total views

 58,473 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 70,882 total views

 70,882 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top