Dangal sa pagtatrabaho ng mga guro

SHARE THE TRUTH

 632 total views

Mga Kapanalig, ginugunita natin sa buwang ito ang National Teachers’ Month. Layunin ng pagdiriwang na itong kilalanin ang husay at dedikasyon ng mga guro sa pag-agapay nila sa kabataang Pilipinong makamit ang kanilang mga pangarap. Sa taong ito ang tema ng paggunita ay “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino”. Binibigyang-diin nito ang mahalagang papel ng mga guro sa pagtataguyod ng kaunlaran sa ating bayan at dignidad ng bawat Pilipinong mag-aaral.  Sa kabila ng pagkilalang ito, nanatiling maraming suliraning kailangang tugunan ang pamahalaan upang sa konkretong paraan ay maipakita ang pagpapahalaga sa mga guro.

Sa pagbubukas ng mga eskwelahan noong nakaraang buwan, higit na tumingkad ang kalbaryong pinagdaraanan ng mga guro. Halimbawa, noong isang linggo lamang, naglabas ng pahayag ang Teacher’s Dignity Coalition tungkol sa mas malinaw na oras ng pagtatrabaho ng mga guro. Anila, sa kabila ng pagkakaron ng Civil Service Commission resolution na nagsasabing anim na oras lamang magtatrabaho ang mga guro sa paaralan at maaari nilang gawin ang dalawang oras pang trabaho sa bahay o kung saan man magaan sa kanila, maraming guro ang nagtatrabaho nang mahigit walong oras. Sa katunayan, mas malala pa nga raw ngayon kumpara noong bago magpandemya dahil na rin sa kakulangan sa mga guro na nauuwi sa mas malalaking klase o mas maraming estudyante sa isang klase. Marami rin silang hawak na non-teaching load o mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo.

Sa kabila ng dami ng kailangang gawin ng mga guro, nananatiling mababa ang sahod nila. Hindi man maaabot ang apatnapu hanggang animnapung libong pisong sahod ng mga guro sa ibang bansa sa Southeast Asia, naniniwala si Alliance of Concerned Teachers party-list representative France Castro na ang dalawampu’t limang libong piso ay lubhang mababa. Noong isang linggo, nagpahayag si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na hindi maaaring itaas ang sahod ng mga guro sa mga pampublikong paaralan dahil magbubunga ito sa paglipat ng mga guro mula sa mga pribadong paaralan. Mauuwi raw ito sa pagsasara ng mas marami pang mga pribadong paraalan. Para kay Representative Castro, hindi dapat ito ang batayan ng umento sa sahod ng mga guro. Ayon sa ating Konstitusyon, ang pamantayan dapat sa pagbibigay ng sahod ay ang cost of living at consumer price index. Samakatuwid, dapat bigyan ang mga guro ng sahod na nakabubuhay, lalo pa sa dami ng trabahong inaasahan mula sa kanila. Dagdag pa rito ang mga gastusin sa paaralan katulad ng chalk, papel, at panglinis ng classrooms na inaabonohan pa ng mga guro.

Malinaw sa mga turo ng Simbahan na ang karapatan ng mga manggagawa, katulad ng iba pang mga karapatan, ay batay sa kanilang dignidad bilang tao. Ang makatarungang oras ng pagtatrabaho at sahod ay mga pangunahing karapatan ng mga manggagawang dapat itinataguyod. Binibigyang-diin ng mga Catholic social teaching na ang pagtatrabaho ay para sa tao, hindi ang tao para sa pagtatrabaho. Ibig sabihin, ang dangal ng mga manggagawa, kasama ang mga kalagayang magpapalago sa kanila bilang mga nilalang ng Diyos, ay pangunahing usapin sa kanilang pagtatrabaho.

Kaya naman, kung naniniwala tayong dangal ng sambayanang Pilipino ang ating mga guro, dapat naitataguyod ang kanilang dignidad sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Ang mga gurong overworked at underpaid ay malinaw na sumasalamin sa mababang pagpapahalaga sa ating mga guro.

Mga Kapanalig, sa pamamagitan ng ating mga trabaho maituturing “tayong mga kamanggagawa ng Diyos” sa mundong ito, ayon nga sa 1 Corinto 3:9. Samahan natin ang mga guro sa pananawagang isaayos ang lagay ng kanilang pagtatrabaho nang ito ay maging paggawang may dangal at may pagkilala sa kanilang mga karapatan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 9,006 total views

 9,006 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 13,368 total views

 13,368 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 23,960 total views

 23,960 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 32,184 total views

 32,184 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 38,030 total views

 38,030 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 9,007 total views

 9,007 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 13,369 total views

 13,369 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 23,961 total views

 23,961 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 32,185 total views

 32,185 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 38,031 total views

 38,031 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 44,341 total views

 44,341 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 47,434 total views

 47,434 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 37,139 total views

 37,139 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 38,027 total views

 38,027 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 53,330 total views

 53,330 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 65,739 total views

 65,739 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 60,083 total views

 60,083 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 61,289 total views

 61,289 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 71,280 total views

 71,280 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 56,665 total views

 56,665 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top