Pangangalaga sa ating mga Seniors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total views

Kapanalig, kapag lumalabas ka ba ng iyong tahanan, hindi ka ba nag-aalala para sa kapakanan ng ating mga seniors? Suriin mo ang ating mga lansangan, ang ating mga imprastraktura, maski ang public transportation – lahat ng iyan ay hindi senior-friendly diba? Lahat ng iyan ay mga balakid na sa malayang pag-galaw ng ating mga senior citizens sa lipunan.

Totoo nga ang sinasabi ng marami- ang ating mga siyudad ay mga urban jungles na. Kada araw, nakikipagpaligsahan tayo sa lansangan para lamang makarating sa paaralan o trabaho, o kung saan man ang lakad mo. Pag tatawid ka, nakaligtas ka man sa jeep o ano mang oto, may motor naman na biglang hahagip sa iyo. Matira matibay sa kalye, at pihado, pag senior ka, mahihirapan ka. Kailangang mong sumampa sa jeep na umaandar agad kahit hindi ka pa nakaka-upo, kailangang mong umakyat sa pasirko-sirko, paliko-liko, napakataas, at napakahabang hagdan o walkways para makapila sa tren. Kahit di ka pa senior, hingal na hingal ka na, wala pa sa kalahati ang kailangang mong tahakin. Paano pa kaya kung elderly?

Hindi natin maaaring sabihin sa kanila na manatili na lang sila bahay at i-enjoy na lamang ang pension. Maraming mga elders ang pumipiling magtrabaho pa rin dahil maliit ang pension dito sa ating bansa para sa maraming seniors, at masakit man aminin, marami pa ring seniors ang walang pension. Tinatayang nasa 55% ng ating mga seniors may edad 60 pataas ay walang pension. Marami ring seniors, kaunti lamang o walang naipundar na assets, kaya’t tuloy pa rin ang trabaho nila.

Kapanalig, nakatatak na sa ating mga puso ang pag-aalaga sa ating seniors. Pero bakit ang tradisyon na ito ay hindi na natin makita ng kongkreto sa ating lipunan? Nakasaad nga sa ating Konstitusyon na “The family has the duty to care for its elderly members but the State may also do so through programs of social security.” Pero bakit parang napapabayaan na natin ang ating mga magulang, mga lolo, at lola?

Kapanalig, mali na ang disenyo ng ating lipunan, lalo na sa mga urban areas. Hindi na ito makatao o makatarungan lalo sa  mga bulnerableng sektor gaya ng elderly. Kailangan nating mabago ang “trajectory” ng ating hinaharap – kailangan nating gawing maayos, accessible, at inklusibo ang ating lipunan.

Sabi ni Pope Francis sa kanyang General Audience noong Abril 2022: Dapat nating bigyang dangal o i-honor ang ating mga seniors. Selyado ito ng kautusan ng Panginoon na Honor your mother and father… Kailangan natin isulong ang pagmamahal sa mga seniors sa ating lipunan. Sabi niya, “To promote this love, we should offer better social and cultural support.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 22,329 total views

 22,329 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,680 total views

 50,680 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,410 total views

 118,410 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,561 total views

 141,561 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 210,115 total views

 210,115 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ibinasurang paraiso

 22,330 total views

 22,330 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,681 total views

 50,681 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 118,411 total views

 118,411 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,562 total views

 141,562 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »
Scroll to Top