Panalangin para sa napaka-sungit na panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-25 ng Setyembre, 2022
Larawan kuha ng may-akda sa Pangasinan, Abril 2022.
Diyos Ama naming
mapagmahal,
kami ay ipag-adya 
sa lahat ng kapahamakan
at mga kapinsalaan sa 
pagdaraan ngayon ng
super-typhoon;
hindi namin mapigilang
maalaala malaking pagbaha
noong petsa Setyembre 26 din
ng taong 2009 nang manalasa ang
bagyong Ondoy; kaya't dalangin
namin ang paghupa nitong
napaka-sungit na panahon
kung tawagi'y super typhoon.
Sa mga sandaling ito
ng malalakas na buhos ng ulan
at walang tigil na paghampas
at pagbugso ng malalakas na
hangin, aming idinadalangin maliliit
naming mga kapatid, lalo't higit mga
naroon sa mga baybaying dagat at 
malapit sa ilog, yaong mga walang 
sariling tirahan, at mga nasa barong-
barong:  sila nawa ay makalikas sa 
mga ligtas na lugar hanggang 
makalipas malalakas na ulan at hangin.

Ipinapanalangin namin mga 
volunteers nasa rescue operations:
ingatan po ninyo sila sa lahat ng
kapahamakan, iligtas at pangalagaan
po Ninyo kanilang mga pamilya at
mahal sa buhay habang sila ay 
abala sa paglilingkod sa mga mamamayang
apektado ng kalamidad; gayon din po
ang mga nasa iba't ibang sangay ng
pamahalaan at mga nasa media na kumakalap
ng mga balita upang magkaroon kami ng 
tumpak na kalagayan ng mga nasalanta.

O Diyos naming makapangyarihan,
hindi man mapipigilan pananalasa ng
kalikasan, buksan at panibaguhin
aming mga kalooban upang kami
ay magdamayan, magtulungan
bilang iyong pinili at hinirang na
sambayanan; gayun din naman,
sana amin nang mapagtanto at
pangatawanan pangangalaga sa
kalikasan na aming pinabayaan
sanhi ng mga pansariling kaluguran.
Hinihiling naming ang lahat ng ito 
sa ngalan ni Hesus na Iyong Anak at
aming Tagapagligtas, 
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan.  
Amen.

O mahal na Birheng Maria
aming Ina, kami ay iyong
ipanalangin at samahan,
liwanagan at tanglawan
paglalakbay sa gitna ng 
kadiliman nitong buhay,
sa malakas na unos
kami ay magtiwala 
tanging kaligtasa'y 
kay Kristo lamang.
Amen. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 12,080 total views

 12,080 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 186,014 total views

 186,014 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 163,647 total views

 163,647 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 227,397 total views

 227,397 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 246,314 total views

 246,314 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our daily Pentecost

 3,276 total views

 3,276 total views Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Pentecost Sunday-A, 24 May 2026 Acts 2:1-11 ><}}}}*> 1

Read More »

RECONNECTED

 15,343 total views

 15,343 total views Gospel Reading for May 16, 2026 – John 16: 23b-28 RECONNECTED Jesus said to his disciples: “Amen, amen, I say to you, whatever

Read More »

What must I do?

 16,755 total views

 16,755 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Tuesday in the Sixth Week of Easter, 12 May

Read More »
Scroll to Top