Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 508 total views

Isa sa mga mahahalagang konsepto na dapat maunawaan at maisapuso ng ating mga mamamayan ay ang financial literacy. Maraming mga Filipino ang hindi pa ma-alam ukol sa temang ito, at makikita ito sa savings at spending mentality ng marami nating  mga kababayan.

Alam mo ba kapanalig na pagdating sa pera, ang laging bukambibig ng karamihan sa atin ay wala sila nito, o di kaya laging kulang. Marami rin ang nagsasabi na ang pera, parang dumadaan lamang sa kanilang kamay.

Hindi natin masisi ang marami sa ganitong mga karanasan sa pera dahil maliit naman talaga ang kita ng marami nating mga kababayan. Pero maliban sa liit ng sweldo, may iba pa kayang rason kung bakit wala o kulang ang budget ng marami nating mga kababayan?

Ayon sa isang survey ng World Bank, ang Pilipinas ang may pinaka-mababang financial literacy sa buong Asya. Nasa 25% lamang ito kumpara sa 59% sa Singapore, 52% sa Myanmar, at 36% sa Malaysia.

Maliban dito, mga anim lamang sa sampung Filipino ang nagsasabi na pinaplano nila kung paano gagastusin ang kanilang pera, at 57% naman ang nagsasabi na may naaiwan pa silang pera matapos magbayad sa mga bills o bayarin. Ayon din sa survey, 20 milyong Filipino ang nag-iimpok, pero sampung milyon lamang ang may bank accounts.

Isa sa mga mahahalagang tema ng financial literacy ang pag-iimpok. Isa itong ugali na dapat nating tinuturo sa lahat kahit bata pa lamang. Ang magtabi ng kaunti para sa hinaharap ay mainam na preparasyon para sa darating na mga araw.

Liban sa pag-iimpok, kailangan din matutunan ng mga mamamayan ang pag-pa-plano ng paggasta ng pera pati na rin ng access to credit. Kadalasan kasi pag-short na sa pang-gastos, sa utang na lumilingon ang mga kababayan natin. Dahil sa gipit, kumakapit na sila kahit kanino, at hindi nakikita na hindi na makatarungan ang interes na kanilang binabayaran. Sa halip na tulungan sila ng utang na makatawid sa hirap, lalo pa sila nitong binabaon sa kahirapan. Kaya’t napakahalaga na bago umutang, kailangang pag-aralan mabuti ang mga terms and conditions nito bago kumubra.

Kapanalig, ang financial literacy malaking hamon sa ating bayan, lalo pa’t laging bitin ang sahod ng mamamayan. Ang pagtaas ng kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan dito ay isang paraan upang maisulong ang kaunlaran para sa lahat. Ang financial literacy ay isang daan tungo sa panlipunang katarungan, isa sa mga prinsipyo ng ating Simbahan. Ito ay makapangyarihang instrumento na makakapag-bigay ng pantay na oportunidad sa lahat, kahit ano pa ang antas niya sa lipunan. Ito ay daan tungo sa financial freedom – kalayaan mula sa mapang-alipustang kapit ng kahirapan. Sabi nga sa Deus Caritas Est: the aim of a just social order is to guarantee to each person, according to the principle of subsidiarity, his share of the community’s goods.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,625 total views

 16,625 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,585 total views

 30,585 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,737 total views

 47,737 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,921 total views

 97,921 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,841 total views

 113,841 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Witch hunt?

 16,626 total views

 16,626 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,586 total views

 30,586 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,738 total views

 47,738 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,922 total views

 97,922 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,842 total views

 113,842 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 127,052 total views

 127,052 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 121,167 total views

 121,167 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 101,758 total views

 101,758 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 102,485 total views

 102,485 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »
Scroll to Top