Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin para sa napaka-sungit na panahon

SHARE THE TRUTH

 644 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-25 ng Setyembre, 2022
Larawan kuha ng may-akda sa Pangasinan, Abril 2022.
Diyos Ama naming
mapagmahal,
kami ay ipag-adya 
sa lahat ng kapahamakan
at mga kapinsalaan sa 
pagdaraan ngayon ng
super-typhoon;
hindi namin mapigilang
maalaala malaking pagbaha
noong petsa Setyembre 26 din
ng taong 2009 nang manalasa ang
bagyong Ondoy; kaya't dalangin
namin ang paghupa nitong
napaka-sungit na panahon
kung tawagi'y super typhoon.
Sa mga sandaling ito
ng malalakas na buhos ng ulan
at walang tigil na paghampas
at pagbugso ng malalakas na
hangin, aming idinadalangin maliliit
naming mga kapatid, lalo't higit mga
naroon sa mga baybaying dagat at 
malapit sa ilog, yaong mga walang 
sariling tirahan, at mga nasa barong-
barong:  sila nawa ay makalikas sa 
mga ligtas na lugar hanggang 
makalipas malalakas na ulan at hangin.

Ipinapanalangin namin mga 
volunteers nasa rescue operations:
ingatan po ninyo sila sa lahat ng
kapahamakan, iligtas at pangalagaan
po Ninyo kanilang mga pamilya at
mahal sa buhay habang sila ay 
abala sa paglilingkod sa mga mamamayang
apektado ng kalamidad; gayon din po
ang mga nasa iba't ibang sangay ng
pamahalaan at mga nasa media na kumakalap
ng mga balita upang magkaroon kami ng 
tumpak na kalagayan ng mga nasalanta.

O Diyos naming makapangyarihan,
hindi man mapipigilan pananalasa ng
kalikasan, buksan at panibaguhin
aming mga kalooban upang kami
ay magdamayan, magtulungan
bilang iyong pinili at hinirang na
sambayanan; gayun din naman,
sana amin nang mapagtanto at
pangatawanan pangangalaga sa
kalikasan na aming pinabayaan
sanhi ng mga pansariling kaluguran.
Hinihiling naming ang lahat ng ito 
sa ngalan ni Hesus na Iyong Anak at
aming Tagapagligtas, 
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo,
magpasawalang-hanggan.  
Amen.

O mahal na Birheng Maria
aming Ina, kami ay iyong
ipanalangin at samahan,
liwanagan at tanglawan
paglalakbay sa gitna ng 
kadiliman nitong buhay,
sa malakas na unos
kami ay magtiwala 
tanging kaligtasa'y 
kay Kristo lamang.
Amen. 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,861 total views

 13,861 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,798 total views

 33,798 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,058 total views

 51,058 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,602 total views

 64,602 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,182 total views

 81,182 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,367 total views

 7,367 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

When name is the presence

 2,251 total views

 2,251 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 17 July 2025 Thursday, Fifteenth Week in Ordinary Time, Year I Exodus 3:13-20 <*(((>< +

Read More »

Simplicity of God. And Mary.

 2,741 total views

 2,741 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 16 July 2025 Wednesday, Memorial of Our Lady of Mount Carmel Exodus 3:13-20 ><}}}*> +

Read More »

Feeling God

 4,273 total views

 4,273 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 15 July 2025 Tuesday, Memorial of St. Bonaventure, Bishop & Doctor of the Church Exodus

Read More »

Come. Welcome.

 5,252 total views

 5,252 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 14 July 2025 Monday, Memorial of St. Camillus de Lellis, Priest Exodus 1:8-14, 22 <*((((><

Read More »

Accompany me, Lord

 7,800 total views

 7,800 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 11 July 2025 Friday, Memorial of St. Benedict, Abbot, Fourteenth Week in Ordinary Time Genesis

Read More »

Praying to be better, not bitter

 7,125 total views

 7,125 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 10 July 2025 Thursday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 44:18-21,

Read More »

Praying for those “lost”

 8,154 total views

 8,154 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 09 July 2025 Wednesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 41:55-57,

Read More »

Wrestling with God

 9,678 total views

 9,678 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 08 July 2025 Tuesday in the Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 32:23-33

Read More »

If….

 9,740 total views

 9,740 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 07 July 2025 Monday in Fourteenth Week of Ordinary Time, Year I Genesis 28:10-22 <*((((><

Read More »
Scroll to Top