Hindi sagot ang karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total views

Mga Kapanalig, muling naging kontrobersyal si dating Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Dahil ito sa pagbabanta at pag-red tag niya kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar. Kamakailan, naglabas ng desisyon si Judge Magdoza-Malagar laban sa petisyon ng Department of Justice (o DOJ) na ituring na teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines (o CPP) at New People’s Army (NPA). Para sa hukom, hindi sapat ang ebidensyang inihain ng DOJ upang ituring na terorista ang CPP at NPA.

Labis na ikinadismaya ni ex-Usec Badoy ang naging desisyon ni Judge Magdoza-Malagar. Aniya, ipinagtatanggol daw ng hukom ang CPP at NPA dahil kakampi at kaibigan siya ng mga grupong ito. Sa burado na niyang Facebook post, sinabi niyang kung papatayin niya ang hukom dala ng kanyang paniniwalang lahat ng kakampi at kaibigan ng CPP at NPA ay dapat patayin, maging maluwag sa kanya ang mga tao. Dagdag pa niya, pasasabugin daw nila ang opisina ng mga hukom na itinuturing nilang tiwali at kaibigan ng mga teroristang grupo, kahit pa lumuhod sila at magmakaawa para sa kanilang buhay. Nakalulungkot ang mga bantang ito mula sa anak ng isang dating Sandiganbayan justice.

Naalarma ang maraming grupo sa pahayag ni ex-Usec Badoy. Noong isang linggo, naglabas ng babala ang Korte Suprema sa mga nag-uudyok ng karahasan laban sa mga hukom at kanilang pamilya sa pamamagitan ng social media. Anila, maaari itong maituring na contempt o paghamak sa korte. Para sa National Union of Peoples’ Lawyers, ang mga nakababahalang pahayag laban kay Judge Magdoza-Malagar at iba pang miyembro ng hudikatura ay hindi maituturing na patas at batay sa makatwirang kritisismo. Kung pababayaan, maaari daw sirain ng mga kasinungaliang ibinabato sa kanila ang tiwala ng taumbayan sa sistemang pangkatarungan sa bansa.

Ayon naman sa Movement Against Disinformation, malinaw na layunin ng mga naging pahayag ni ex-Usec Badoy na manipulahin ang opinyon ng publiko at mag-enganyo ng karahasan laban sa hukom. Kinundena rin ng Chevening Alumni Association, kung saan miyembro si  Judge Magdoza-Malagar, ang mga pahayag laban sa hukom na sa katunayan ay ginagawa lamang ang kanyang tungkuling protektahan ang karapatang pantao. Sinigurado naman ng Philippine National Police na iimbestigahan nila ang mga banta laban sa hukom.

Naniniwala ang Simbahang hindi maaaring umiral nang magkasabay ang kapayapaan at karahasan. Kung saan may karahasan, wala roon ang presensya ng Diyos. Hindi kailanman magiging tugon sa mga suliranin sa lipunan ang karahasan. Ang karahasan ay isang kasinungalingan; labag ito sa katotohanan ng ating pananampalataya, sa ating pagkatao. Sinisira mismo ng mga nagpapalaganap ng karahasan ang buhay at dignidad ng tao at ang ating kalayaan na sinasabing ipinagtatanggol nila.

Hindi matutugunan ang presensya ng mga rebelde ng mga bantang pagpatay at pagpapasabog sa opisina ng mga hukom na inaakusahang kakampi ng mga grupong ito. Una, kailangang tugunan ang ugat ng pagrerebelde katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan. Ikalawa, kung totoong ang layunin ng pagtugis sa mga terorista ay itaguyod ang buhay at kaligtasan ng lahat, bakit pagkitil ng buhay ang nakikitang sagot ni ex-Usec Badoy. At panghuli, ang mga banta ay laban pa sa mga taong hindi napapatunayang kaanib ng mga rebeldeng grupo at ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Mga Kapanalig, katulad ng mensahe ng Diyos sa 1 Cronica 22:8: “Hindi ka bumubuo ng tahanan sa Aking ngalan dahil marami kang dugong pinadanak sa mundo.” Hindi natin makakamit ang makatao, makatarungan, at mapayapang lipunan kung magpapadanak tayo ng dugo. Ang pagpapanday sa Kaharian ng Diyos dito sa lupa ay hindi kailanman magaganap sa pamamagitan ng karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 79,184 total views

 79,184 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 92,761 total views

 92,761 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 121,325 total views

 121,325 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 169,139 total views

 169,139 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 158,710 total views

 158,710 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaya pero bihag pa rin

 79,185 total views

 79,185 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 92,762 total views

 92,762 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 121,326 total views

 121,326 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 169,140 total views

 169,140 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »
Scroll to Top