Pagkain at ang Pagtaas ng Dolyar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 726 total reads

Kapanalig, marahil kakaba-kaba ang marami sa atin ngayon dahil pataas ng pataas ang halaga ng mga pagkain sa ating bayan ngayon. At habang tumataas ang halaga nito, lalong nanganganib ang katiyakan sa pagkain o food security ng maraming Filipino.

Napaka-bulnerable ng ating bansa pagdating sa isyu ng pagkain. Isa sa mga rason nito ay ang over-reliance ng ating bansa sa mga food imports. Ngayon nga, maraming food items ang ini import ng ating bansa. Kasama dito ang mais, baboy, manok, beef, sibuyas, bawang, kape, at mani. Pati nga bigas, iniimport na natin. Sa bilis ng pagtaas ng dolyar ngayon, mas mahal na natin mabibili ang mga food items na ito. At kung hindi na abot kaya, nanganganib ang food security ng bansa. Gutom ang aabutin ng maraming mamamayan.

Ang food self-sufficiency rates din ng ating bansa ay nagpapakita na nanganganib ang ating katiyakan sa pagkain. Base sa opisyal na datos, ang ating self-sufficiency ratio (SSR) para sa aggregated food commodities ay bumagsak mula 79.4% noong 2018 mula 83.2% noong 2016, at 86.8% noong 2017. At habang bumabagsak ito, tumataas naman ang bilang ng ating populasyon. More mouths to feed, pero kulang at mahal ang pagkain. Sa pagdaan ng mga taon, mas dadami tayo, at mas kokonti at mas magmahal ang suplay ng pagkain. Paano na?

Kapanalig, panahon na upang ating bigyang pansin ang usaping food self-sufficiency ng ating bayan. Number one dapat yan sa ating mga prayoridad  bilang bansa lalo pa’t ang gutom at malnutrisyon ay isa sa mga perennial problems ng bayan.

Ang tanong ngayon, kailan natin gagawin ito? Kailan tayo kikilos para ating matiyak na ang pagkain ay laging abot kamay at abot kaya ng ordinaryong mamamayan? Ano na ang mga kongkretong hakbang ng pamahalaan upang mas mapalakas ang sarili nating food production, upang sumapat sa pangangailangan ng bawat Filipino?

Inihayag ni Pope Francis noong World Food Day noong 2021 na kailangang ng “concerted action” para matiyak na may access ang lahat sa sapat at abot-kayang pagkain. Sabi pa niya, hindi nararapat na marami ang nagugutom sa buong mundo habang may iilang porsyento na sobra sobra naman ang suplay.

Kapanalig, ang food insecurity sa ating bansa ay ebidensya ng kawalan ng panlipunang katarungan. Panahon na para sa mga kongkretong solusyon sa isyu na ito. Hindi na natin kailangan ng mga motherhood statements ukol sa paghihirap at gutom ng maralita ng bayan. Abot-kamay at abot-kayang pagkain kapanalig, ang kailangan ng bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 25,616 total reads

 25,616 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 132,443 total reads

 132,443 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 169,230 total reads

 169,230 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 199,804 total reads

 199,804 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 247,183 total reads

 247,183 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 25,617 total reads

 25,617 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 132,444 total reads

 132,444 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 169,231 total reads

 169,231 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 199,805 total reads

 199,805 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top