1,200 siklista, nakiisa sa “Bike 4 Kalikasan”

SHARE THE TRUTH

 647 total views

Dinaluhan ng 1,200 siklista ang kauna-unahang Bike 4 Kalikasan ng humanitarian at social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Ganap na alas-singko ng umaga nitong October 8, 2022 nang magsimula ang bike caravan sa pangunguna ni NASSA/Caritas Philippines National Director at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kung saan binagtas ang 32-kilometro mula Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila patungo sa La Mesa Dam Nature Reserve Park sa Quezon City.

Tiwala si Bishop Bagaforo na ang inilunsad na bike for a cause ay magdulot ng mabuting epekto at magsilbing halimbawa upang gampanan ng bawat isa ang layuning pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

“Sana sa pamamagitan nito ay will be able to express across to everyone ‘yung ating adbokasiya at ‘yung ating panawagan na napakahalaga ng ating kalikasan. Ginagawa natin ito in order to highlight at tsaka bigyan ng emphasis ‘yung climate crisis natin sa buong mundo,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radio Veritas.

Kasunod nito ay nagtanim ng 500 bamboo seedlings ang Caritas Philippines sa Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region Nursery Area sa bahagi rin ng La Mesa Dam Nature Reserve Park.

Ipinaliwanag ni Bishop Bagaforo na ang kawayan, maliban sa kakayahan nitong linisin ang hangin ay makakatulong din upang pagkunan ng hanapbuhay at pagkakakitaan ng mamamayan.

Dagdag pa ng Obispo na nasa 11 diyosesis na ang tumugon sa ganitong inisyatibo at nilalayong makapagtanim at makapagpayabong ng nasa limang milyong puno sa loob ng limang taon.

“This will become an avenue for social enterprise at higit sa lahat ay ‘yung ating tugon sa poverty alleviation… Kung meron kayong pagkakataon in your own small community, influence, barangay, o di kaya mayroon kayong mga lupa na walang tanim, kung maaari ay taniman natin higit sa lahat ng bamboo. Sapagkat ayon sa mga environmentalist, malaki ang nadudulot na oxygen supply ng mg kawayan sa ating kalikasan,” saad ni Bishop Bagaforo.

Nakiisa rin sa bike caravan si Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio kung saan kanyang pinamunuan ang pambungad na panalangin bago magsimula ang gawain.

Pinuri ni Bishop Florencio ang inisyatibo ng NASSA/Caritas Philippines kung saan kanyang ibinahagi na tungkulin ng mga obispo, pari, at mga layko na isulong ang adbokasiya ng pangangalaga sa nag-iisang tahanan bilang pagmamalasakit din sa kapakanan ng mga susunod pang henerasyon.

“Ito po ay nagbibigay sa atin ng impression that all of us gathered together-bishops, priests, and mga layko na talagang sinusulong natin itong pagmamahal sa environment. Dahil ito ay mayroon tayong pananagutan sa future generations hindi lang ‘yung ngayon but ‘yung incoming generations. So, that’s why nandito po ako upang ilahad sa buong mundo, buong bansa na we are here for this bike for kalikasan,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, umaasa si Bishop Bagaforo na magtutuloy-tuloy ang gawaing ito hanggang sa mga susunod na taon upang mas lumawig at umigting pa ang adbokasiya para sa inang kalikasan.

Pinasalamatan naman ni Bishop Bagaforo ang mga nakiisa at naging bahagi ng programa lalo na sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila at Quezon City, at Department of Environment and Natural Resources.

Ang Bike 4 Kalikasan ay bahagi ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation na hinihimok ang bawat isa na panibaguhin ang pangako ng pangangalaga sa kalikasan upang mas maging epektibong katiwala ng mga nilikha ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,724 total views

 5,724 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,769 total views

 13,769 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,849 total views

 18,849 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,556 total views

 24,556 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 33,344 total views

 33,344 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinikayat na makibahagi sa kapistahan ni San Kamilo de Lellis

 221 total views

 221 total views Inaanyayahan ng Camillian Philippine Province ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Kamilo de Lellis. Dalangin ni Camillian Philippines Provincial Vicar, Fr. Dan Cancino, MI na ang kabanalan ni San Kamilo nawa’y mag-akay sa lahat ng mga naghihirap dulot ng iniindang mga karamdaman patungo sa kagalingan at pag-asang hatid

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinaalalahanan ng NFP na kumain ng masustansiyang pagkain

 513 total views

 513 total views Pinaalalahanan ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) ang mamamayan na sikaping kumain ng sapat, balanse, at masustansiyang pagkain araw-araw. Ayon kay NFP Board Secretary, Nutritionist and Dietitian Rhea Benevides-de Leon, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na dami at wastong kombinasyon ng mga pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Ibinahagi ni de

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Filipino parents, hinimok ng CBCP na bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga bata

 1,191 total views

 1,191 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mga magulang na pagtuunan ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga bata. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Father Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, mahalagang sa tahanan pa lamang ay nauumpisahan na ang pagbibigay at pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging saksi ni Kristo

 1,496 total views

 1,496 total views Pinaalalahanan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapadaloy ng biyaya at pagpapatotoo kay Kristo. Sa pagninilay para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal nitong Hulyo 9, hinimok ni Cardinal Advincula ang bawat isa na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Parish of St.John the Baptist, ideklarang minor basilica

 1,859 total views

 1,859 total views Isabuhay at ipalaganap ang pagiging mapagpakumbaba katulad ni San Juan Bautista. Ito ang bahagi ng welcome message ni Antipolo Bishop Ruperto Santos para sa solemn declaration ng Minor Basilica and Parish of St. John the Baptist sa Taytay, Rizal. Ayon kay Bishop Santos, ang pagtataas sa Parokya ng San Juan Bautista bilang basilika

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Masungi Georeserve, hindi itinayo upang pagkakakitaan

 4,682 total views

 4,682 total views Nilinaw ng Masungi Georeserve Foundation, Inc. (MGFI) na hindi itinayo ang Masungi Georeserve upang pagkakitaan at magsilbing lugar-libangan. Ito ang tugon ng institusyon sa pahayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsasaad na ang mga gawain sa loob ng Masungi Georeserve ay maituturing na labag sa batas. Ayon sa MGFI,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Aktor na si Leonardo Di Caprio, nananawagang pangalagaan ang Masungi Geopark

 5,233 total views

 5,233 total views Nakikiisa si Hollywood actor at environmental activist Leonardo DiCaprio sa panawagang pangalagaan ang Masungi Geopark Project laban sa mga mapaminsalang pag-unlad na nakakaapekto sa itinuturing na protected area. Sa instagram post, hinikayat ni DiCaprio si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na kumilos upang mapaigting at maipagpatuloy ang hangaring mapangalagaan Masungi Geopark laban sa mga

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan

 5,513 total views

 5,513 total views Muling hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Tularan si Apostol San Pedro at San Pablo,hamon sa mga mananampalataya

 5,456 total views

 5,456 total views Hinamon ng kura paroko ng Sts. Peter and Paul Parish, Poblacion, Makati City ang bawat isa na patatagin ang pananampalataya katulad ng ipinahayag nina Apostol San Pedro at San Pablo bilang mga tagasunod ni Kristo. Ayon kay Fr. Kristoffer Habal, ang bawat isa ay inaanyayahan na higit pang palalimin ang pananampalataya sapagkat ito

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kaligtasan ng mga bata sa nakakalasong kemikal, pinatutukan ng BAN Toxics

 13,338 total views

 13,338 total views Pinatutukan ng BAN Toxics ang kaligtasan ng mga bata mula sa mga nakalalasong kemikal kasabay ng pagdiriwang sa National Poison Prevention Week 2024. Ayon kay BAN Toxics advocacy and campaign officer Thony Dizon, mahalagang magsimula sa mga tahanan at paaralan ang pangangalaga sa mga bata upang maiwasan ang pagkakalantad sa mga mapanganib na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Social action ministers, hinimok ng CBCP na ire-orient ang priorities

 16,517 total views

 16,517 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang social action ministers na ituon ang pansin sa pagbabago ng lipunan kaakibat ang mga gawaing pagtulong at pag-unlad ng pamayanan. Ayon kay CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kabilang dito ang mga programa at inisyatibo para sa pulitika, ekonomiya, at kultura. Ginawa ni

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Love is the hallmark of what being a Christian-Bishop Bagaforo

 16,553 total views

 16,553 total views Binigyang-diin ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang kahalagahan ng pag-ibig at habag bilang katangian ng pagiging mabuting Kristiyano. Sa Banal na Misa para sa ikalawang araw ng 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) sa Jaro, Iloilo, ibinahagi ni Bishop Bagaforo na pangunahing tanda ng pagiging tagasunod ni Kristo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig at katarungan,panalangin ng Obispo sa bawat kristiyano

 19,862 total views

 19,862 total views Umaasa si Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo na ang bawat binyagang kristiyano ay nagtataglay ng binhi ng pananampalataya, pag-ibig, at katarungan sa kanyang puso. Ayon kay Archbishop Lazo, ang binhing ito’y kailangang lumago upang patuloy na maisabuhay at maipalaganap sa bawat pamayanan tungo sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang lipunan. Ang pagninilay ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Magkaroon ng social responsibility ang mga Pilipino, misyon ng ika-41 NASAGA

 19,631 total views

 19,631 total views Umaasa si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magdulot ng positibong epekto sa mamamayan ang mga pinagtitibay na layunin ng social, advocacy, at development arm ng simbahan para sa kaayusan ng lipunan. Ayon kay Bishop Bagaforo, nais ng simbahan na maipalaganap ang pananagutang panlipunan upang higit na maunawaan at makaangkop

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocesan Social Action Centers, magtitipon sa Iloilo

 18,222 total views

 18,222 total views Muling magtitipon-tipon ang mga kinatawan mula sa 85-diocesan social action centers (DSACs) sa bansa upang talakayin ang iba’t ibang usapin at programa sa mga kinasasakupan. Ito ang 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) ng Caritas Philippines, na isasagawa mula June 17-21, 2024 sa Jaro, Iloilo City. Ang Jaro Archdiocesan Social Action Center

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top