Magpasalamat sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,481 total views

Hinimok ng opisyal ng simbahan ang mananampalataya na maglaan ng panahon para magpasalamat sa Diyos.

Ito ang pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kahalagahan ng pagdalo ng Banal na Eukaristiya lalo na tuwing Linggo.

Tinukoy ng obispo ang salaysay sa ebanghelyo tungkol sa sampung humingi ng tulong kagalingan kay Hesus subalit isa lang ang bumalik upang magpasalamat.

Ayon kay Bishop Pabillo marami ang dapat na ipagpasalamat ng sangkatauhan sa Panginoon tulad ng biyaya ng buhay, pamilya, kabuhayan at iba pang kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao.

“Ang dami nating ipasasalamat sa Diyos – ang buhay natin, ang ating kalusugan, ang ating trabaho,ang ating pamilya. Higit sa lahat, ipinapasalamat natin ang pagmamahal ng Diyos sa atin, ang pag-aalay ni Jesus ng kanyang sarili sa Krus, ang salita ng Diyos na pagkain ng ating kaluluwa. Nagsisimba tayo kasi tayo ay nagpapasalamat,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ikinalungkot ng opisyal na bagamat marami ang tumatanggap ng biyaya ay iilan lamang ang naglaan ng panahon na dumalo sa Banal na Misa upang magpasalamat sa Diyos.

Sa isang pag-aaral ng Social Weather Station noong 2021 nasa 41-percent lamang ng mahigit 80-milyong katoliko sa bansa ang lingguhang dumadalo sa Banal na Eukaristiya.

Apela ni Bishop Pabillo sa mananampalataya na magbigay ng panahon para sa Diyos na nagkaloob ng iba’t ibang biyaya na pinakikinabangan ng tao.

“Tumigil tayo sa araw ng Linggo. Tigil muna sa pag-aaral. Tigil muna ang pagtatrabaho. Bumalik tayo sa Diyos. Pumunta tayo sa simbahan at sambahin siya sa Banal na Misa na walang iba kundi pagpapasalamat,” giit ng obispo.

Si Bishop Pabillo ang namumuno sa Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nangunguna sa pagsusulong ng stewardship program ng simbahan upang palawakin ang balik-handog sa mga simbahan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 16,390 total views

 16,390 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 52,180 total views

 52,180 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 94,072 total views

 94,072 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 147,615 total views

 147,614 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 173,464 total views

 173,464 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top