SLP, nakikiisa sa panawagan ng CBCP sa mananampalataya na personal na dumalo sa misa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mananampalataya na personal na dumalo sa pagdiriwang ng banal na Eukaristiya sa mga simbahan.

Ayon kay Raymond Daniel Cruz, Jr. – National President ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, mahalaga ang sama-samang pagtanggap ng biyaya at grasya na nagmumula sa personal na pagdalo sa banal na Eukaristiya sa mga simbahan.

Nanawagan naman si Cruz sa pinuno ng iba’t ibang National Lay Organizations at mga Diocesan Council of the Laity upang sama-samang hikayatin ang bawat mananampalataya na muling dumalo ng personal sa pagdiriwang ng misa.

“Napakahalaga po ng pagbabalik natin sa ating mga Sunday masses kaya po bilang presidente ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay minamarapat ko din po sanang ipahatid sa mga leaders ng iba’t ibang mga National Lay Organizations, mga communities, mga Diocesan Council of the Laity na pagtulong-tulungan po natin na balikan at kuning muli ang grasyang nanggagaling sa ating pagsasama-sama tuwing Linggo, bumalik po tayo sa face to face masses.”panawagan ni Cruz.

Inihayag ni Cruz na isa rin itong pagkakataon upang ganap na maipamalas ng bawat laiko ang diwa ng Synod on Synodality.

“In the spirit of synodality, nagsimula na po tayong magkaroon ng iba’t ibang mga journeying together Synod on Synodality at ito po yung pagkakataon na tawagin na natin sila at maglakbay po tayo sama-sama but this time mindful na marami pong huminto, marami rin ang hindi na nagsisimba baka ito ang pagkakataon na mahikayat natin sila.” Dagdag pa ni Cruz.

Iginiit ni Cruz na malaking bagay ang personal na pagdalo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sapagkat sinasalamin nito ang pananagutan at pangako ng bawat binyagan sa pagiging isang tapat na lingkod ng Panginoon at kapwa.

Sa liham sircular ng CBCP ay ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang malaking epekto ng ipinatupad na lockdown ng pamahalaan mula noong 2020 bilang pag-iingat laban sa COVID-19 pandemic kung saan kabilang ang mga simbahan sa isinara sa publiko at ipinatupad ang online masses upang makaiwas sa malakihang pagtitipon.

Binigyang diin ng CBCP na alinsunod sa kautusan ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments ng Vatican na ang online mass ay orihinal na para lamang sa mga may karamdaman at mga taong walang kakayahang makadalo ng personal sa pagdiriwang sa mga parokya.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,604 total reads

 2,604 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,633 total reads

 8,633 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,301 total reads

 46,301 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,571 total reads

 272,571 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 166,037 total reads

 166,037 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,639 total reads

 259,639 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top