Kilalanin ang tungkulin at ambag ng mga babae

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,013 total reads

Nananawagan ang Pambansang Koalisyon ng Kababaihan sa Kanayunan (PKKK) ng katarungan para sa klima, pagkain at kalusugan sa gitna ng mga nararanasang krisis sa lipunan.

Ang panawagan ng grupo ay kasabay ng paggunita sa International Rural Women’s Day na layong kilalanin ang mahalagang tungkulin at ambag ng ‘rural women’ o mga babae sa kanayunan sa agrikultura, pagtugon sa pagkain, nutrisyon, at ang pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang-diin ni PKKK President Janel Geconcillo, isang organic farmer mula Negros Oriental, ang hindi kinikilalang kontribusyon ng mga babae sa produksyon ng pagkain at ang pangalagaan ang mga tagalikha ng pagkain.

“Ang kalakhan ng pagkain sa buong mundo, babae ang nagprodukto. Mula sa pag-identify sa binhi na ating ipupunla papunta sa hapag-kainan na para ang ating pamilya ay makakain. Ngunit sa ating sitwasyon sa ngayon, marami ang nagugutom kahit marami ang nagpupunla,” pahayag ni Geconcillo.

Iginiit ni Geconcillo na dapat ding sikaping matulungan at matugunan ng mga kinauukulan ang suliranin na ang mga tagapagtanim ay sila pa ang higit na nakakaranas ng paghihirap at kagutuman.

Nanindigan naman si Erwinda Sarmiento mula sa mga katutubong Agusan Manobo sa pangangalaga sa inang kalikasan at ang pangangailangan ng bansa para sa food security.

“Pahalagahan natin ang ating kalikasan at ang ating pagkain dahil diyan nakasalalay ang mga kababaihan, ang ating mga komunidad, ang ating mabuting pamumuhay sa pamayanan,” ayon kay Sarmiento.

Batay sa pag-aaral ng PKKK, sa isang araw ay walo hanggang 11 oras ang ginugugol ng mga babae para sa agrikultura hindi lamang sa pagtatanim, kun’di maging sa paghahanap ng kapital, pag-aani, at paghanda at pagbebenta ng mga produkto.

Nakasaad naman sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco na karapatan ng bawat isa na maglabas ng saloobin hinggil sa mga nangyayaring hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, kung saan ang ilan ay tinitingnan ang mga sarili na mas karapat-dapat kaysa sa ibang higit na dapat bigyang-halaga.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 2,588 total reads

 2,588 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 8,604 total reads

 8,604 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 46,274 total reads

 46,274 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 272,544 total reads

 272,544 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 166,010 total reads

 166,010 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 259,613 total reads

 259,613 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,562 total reads

 150,562 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top