Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PJPS, nanawagan ng suporta sa S.O.A.P project

SHARE THE TRUTH

 477 total views

Nananawagan ng suporta ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) sa muling inilunsad na Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 35th Prison Awareness Week ngayong taon.

“As PJPS celebrates its 28th year, we continue to witness God’s providence through your generosity. We are once again having the S.O.A.P. (Simple Offering of Affection for PDLs) Project during Prison Awareness Week, which will be held during the last week of October.”panawagan ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS).

Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) na pinamumunuan ni executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ ang mga paraan upang makapagpaabot ng tulong kung saan sa halagang 100-piso ay maaring makatulong sa pagkakaroon ng hygiene kit ng mga Persons Deprived of Liberty.

Layunin ng proyekto na makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo, panlaba at ointment para sa may 33,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

“Help us reach our goal by donating and promoting this campaign. We hope to provide all 33,000 PDLs in NBP and CIW with soap and Katinko ointment during the 35th Prison Awareness Week.” Apela ng PJPS.

Ayon sa organisasyon, higit na mahalaga na matiyak ang kalinisan ng mga bilanggo na higit na lantad sa iba’t ibang sakit dahil sa pagsisiksikan sa mga bilangguan lalo na sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

Nakatakda ang 35th Prison Awareness Week mula ika-24 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2022 na may tema ngayong taon na “Towards Listening, Healing and Loving Correctional Community” na naglalayong higit na mapaigting ng Simbahan ang pakikinig sa mga hinaing ng mga bilanggo o PDLs.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,622 total views

 83,622 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,397 total views

 91,397 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,577 total views

 99,577 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 115,108 total views

 115,108 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 119,051 total views

 119,051 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 23,858 total views

 23,858 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 24,530 total views

 24,530 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top