Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

Ang social media ba ay isang plataporma na nagagamit ng marami para sa kabutihan, o  ito ba ngayon ay nagiging instrumento na ng kasamaan?

Kapanalig, napakadali na para sa maraming mga tao ang maging mapang-alipusta, mapang-insulto, maging mapanakit sa social media. Makikita at mababasa natin ngayon na sa maraming social media posts, daan-daan o libo libo agad ang mga komento. At makikita mo na sa seksyon na ito, nag-aaway away na ang mga tao. Buhay na buhay sa maraming mga comment sections ang kasabihang “an eye for an eye, a tooth for a tooth.” Gantihan ang mga insulto at lait sa social media. Kung nakakamatay lamang ang mga salita, marami na ang nabiktima ng mga online comments.

Kapanalig, makapangyarihan ang mga salita. Hindi ka man magdurugo ng pisikal dahil sa mga bashing o insulto, dinudurog na minsan nito ang puso at pagkatao ng mga inaalipusta nito. Ang mga komento natin sa social media kapanalig, ay maituturing na online harassment na. Cyberbullying na ito, at napakalaki ng epekto sa mga taong nabibiktima nito.

Sa ating bansa kapanalig, marami na ang nagiging biktima ng online harassment. Ayon sa isang pag-aaral ng Plan International, 7 of 10 girls and young women sa ating bansa ang naging biktima na ng online harassment, lalo na sa social media. Ayon sa mga nasurvey ng pag-aaral na ito, madalas nangyayari ang harassment na ito, at ang walo sa sampu sa kanila ay nakatanggap pa ng banta ng sexual violence sa social media. Ang mga karaniwang nangha-harass sa kanila ay mga kakilala nila.

Kapanalig, ang internet at ang social media ay dapat safe space para sa lahat ng mamamayan, bata man o matanda, lalake man o babae. Ang mga platapormang ito ay ating mga kasangkapan sa pang-araw-araw na buhay. Dito na tayo nagkikita, dito na tayo nakikipag-ugnayan. Kung ang internet at social media ay patuloy na magiging mundo ng karahasan, ano ng matitira pang ligtas na lugar para sa ating lahat?

Kapanalig, sabi sa Pacem in Terris: “Any human society, if it is to be well-ordered and productive, must lay down as a foundation this principle, namely, that every human being is a person.” Ang online harassment kapanalig, ay expression of hate, of anger. Ang galit o poot na ito ay kadalasan hindi na kinikilala ang pagkatao ng mga biktima. Labag ito sa ating pagka-Katolikong Kristiyano. Labag ito sa ating dignidad bilang kawangis ng Diyos. Kung nais natin kapanalig ng mundong payapa, gamitin natin ang mga plataporma gaya ng Internet at social media bilang instrumento ng pagkilala sa dignidad at dangal ng ating pagkatao, hindi bilang armas ng cyberbullying o online harassment.

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,955 total reads

 4,955 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,255 total reads

 29,255 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,814 total reads

 69,814 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,344 total reads

 96,344 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,610 total reads

 144,610 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 165,369 total reads

 165,369 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,256 total reads

 29,256 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,815 total reads

 69,815 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,345 total reads

 96,345 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top