Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pang-iinsulto ni Senador Villar sa mga magsasaka at mangingisda, pinuna ng AGHAM

SHARE THE TRUTH

 952 total views

Ikinadismaya ng AGHAM-Advocates of Science and Technology for the People ang pahayag ni Senator Cynthia Villar na walang sapat na kaalaman ang mga magsasaka at mangingisda sa climate change.

Si Villar ang kasalukuyang pinuno ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, at Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.

Sinabi ni Jerwin Baure, public information officer at resident marine scientist ng AGHAM na ang pahayag ni Villar ay insulto para sa mga magsasaka at mangingisdang nagsisikap na maghanapbuhay sa kabila ng kakulangan sa pagpapahalaga ng pamahalaan.

Tiniyak ni Baure na mayroong sariling kasanayan ang mga ito na kayang matukoy ang lagay ng panahon at maunawaan ang epekto ng nangyayaring pagbabago ng klima.

“Fisherfolk and farmers have their own traditional ecological knowledge, which they use in their day-to-day lives. Despite not knowing the exact technical terms, these fisherfolk and farmers still understand climate change,” pahayag ni Baure sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Baure na ramdam ng mga magsasaka ang epekto ng pagbabago ng klima lalo na kapag mayroong malalakas na bagyo maging ang tagtuyot, na humahantong sa malaking pagkalugi sa agrikultura.

Gayundin ang epekto nito sa mga mangingisda kung saan lantad naman sa storm surge, pagtaas ng antas ng dagat, at pag-init ng karagatan.

Sa kabila ng pagbabago ng klima, nilinaw ni Baure na nakakahanap pa rin ang mga magsasaka at mangingisda ng pamamaraan upang makaangkop sa mga pagbabagong nangyayari sa kapaligiran.

Iginiit ni Baure na sa karanasan ng mga magsasaka at mangingisda ay dapat higit itong bigyang-pansin ng pamahalaan sa halip na isantabi at patuloy na isisi ang suliranin sa mahihirap na sektor ng lipunan.

“It is the government’s duty to help them adapt as the climate conditions continue to worsen. It will go a long way if the government will start pooling our resources in helping our countrymen instead of using their platform in blaming the marginalized sectors of our society,” giit ni Baure.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nakamamatay ang kurapsyon

 2,642 total views

 2,642 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 15,090 total views

 15,090 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 50,264 total views

 50,264 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 57,669 total views

 57,669 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 58,718 total views

 58,718 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

RCAM at CSMC, lumagda sa MOA

 3,528 total views

 3,528 total views Muling pinagtibay ng Cardinal Santos Medical Center (CSMC) at ng tanggapan ng Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM) ang Memorandum of Agreement (MOA),

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top