CBCP-ECPPC, nanawagan ng Volunteers In Prison Service

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,223 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ng karagdagang volunteers in prison service.

Ito ay upang makatuwang ng CBCP-ECPPC sa paglilingkod sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo.

Bilang paghahanda sa 35th Prison Awareness Week ngayong taon, nanawagan ang komisyon sa mga nagnanais makibahagi sa misyon ng Simbahan na patuloy na maipadama sa mga bilanggo ang habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

Tema ng Prison Awareness Week ngayong taon ay “Towards Listening, Healing, and Loving Correctional Community’.

Hinimok ng CBCP-ECPPC ang mamamayan na maging Volunteer In Prison Service na nagsusulong ng katarungan, paghilom at pagbabalik dignidad sa mga taong nagkasala sa batas.

“Be a Volunteer In Prison Service (VIPS) and work for Justice that Heals and Restore.” paanyaya ng CBCP-ECPPC

Ipinaliwanag ni Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng CBCP-ECPPC na ang misyon at tungkuling ginagampanan ng prison ministry ng Simbahan ay isang kongkretong pagpapamalas ng ‘synodality act’ para sa mga bilanggo na naisasantabi sa lipunan.

Unang inamin ni Bishop Baylon na hamon sa komisyon na makumbinsi ang mga Obispo sa iba’t-ibang diyosesis na magtatag ng kanilang prison ministry para sa kapakanan ng mga bilanggo.

Nakatakda ang 35th Prison Awareness Week sa ika-24 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2022 na naglalayong higit na mapaigting ng Simbahan ang pakikinig sa mga hinaing ng mga bilanggo o PDLs (Persons Deprived of Liberty).

Taong 1975 ng itinatag ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care upang magsilbing daluyan ng biyaya at habag ng Panginoon para sa mga bilanggo.

Sa kasalukuyan mayroong 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 44,197 total views

 44,197 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 67,356 total views

 67,356 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 88,630 total views

 88,630 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 256,941 total views

 256,941 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top