CBCP-ECPPC, nanawagan ng Volunteers In Prison Service

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,596 total reads

Nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) ng karagdagang volunteers in prison service.

Ito ay upang makatuwang ng CBCP-ECPPC sa paglilingkod sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) o mga bilanggo.

Bilang paghahanda sa 35th Prison Awareness Week ngayong taon, nanawagan ang komisyon sa mga nagnanais makibahagi sa misyon ng Simbahan na patuloy na maipadama sa mga bilanggo ang habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

Tema ng Prison Awareness Week ngayong taon ay “Towards Listening, Healing, and Loving Correctional Community’.

Hinimok ng CBCP-ECPPC ang mamamayan na maging Volunteer In Prison Service na nagsusulong ng katarungan, paghilom at pagbabalik dignidad sa mga taong nagkasala sa batas.

“Be a Volunteer In Prison Service (VIPS) and work for Justice that Heals and Restore.” paanyaya ng CBCP-ECPPC

Ipinaliwanag ni Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng CBCP-ECPPC na ang misyon at tungkuling ginagampanan ng prison ministry ng Simbahan ay isang kongkretong pagpapamalas ng ‘synodality act’ para sa mga bilanggo na naisasantabi sa lipunan.

Unang inamin ni Bishop Baylon na hamon sa komisyon na makumbinsi ang mga Obispo sa iba’t-ibang diyosesis na magtatag ng kanilang prison ministry para sa kapakanan ng mga bilanggo.

Nakatakda ang 35th Prison Awareness Week sa ika-24 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2022 na naglalayong higit na mapaigting ng Simbahan ang pakikinig sa mga hinaing ng mga bilanggo o PDLs (Persons Deprived of Liberty).

Taong 1975 ng itinatag ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care upang magsilbing daluyan ng biyaya at habag ng Panginoon para sa mga bilanggo.

Sa kasalukuyan mayroong 86 na unit of volunteers ang Simbahan mula sa iba’t ibang diyosesis na mayroong 20 hanggang 100 prison volunteers na nakatalaga sa bawat bilanguan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 94,859 total reads

 94,859 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 177,889 total reads

 177,889 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 272,220 total reads

 272,220 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 333,903 total reads

 333,903 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 375,218 total reads

 375,218 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top