Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Kapanalig, may silver lining din likod ng matinding traffic sa ating mga siyudad ngayon. Ito ay ang mabilis na pagdami ng bikers at bike lanes sa maraming lugar sa ating bansa.

Ayon sa Department of Transportation, mahigit pa sa 500 kilometers ang bike lane network sa buong bansa. 313.12 kilometers nito ay nasa Metro Manila, 129.47 nito ay nasa Metro Cebu, at 54.74 ay nasa Metro Davao. Ang mga bike lanes na ito kapanalig, ay along o katabi ng mga national roads, kaya’t malaking progress o kasulungan ito sa loob ng napakaliit na panahon. Bago pa ang pandemic, halos walang maayos na bike lanes sa mga siyudad natin.

Napakahalagang pagbabago ito kapanalig. Maikli man ang bike lane network na ito ngayon, ito pa rin ay seed o punla ng sustainable at climate-friendly mode of transportation sa ating bayan. Ito rin ay direktang tugon sa isa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Makikita natin na noong simula ng pandemya, mas marami na ang gumagamit ng bisikleta. Ayon sa isang survey ng SWS nitong Abril 2022, isa sa apat na kabahayan sa buong bansa ay may mga bikes. Mas marami ito kaysa noong Mayo 2021 kung saan isa sa limang households sa Pilipinas ang nagsasabing may bikes sila. Mas marami na ngayong ang bike owners kaysa car owners sa ating bansa. 7.3 million households na ngayon ang maituturing na cycling households sa ating bayan magmula 6.2 million noong Mayo 2021.

Ang bilis ng pagdami ng mga households na gumagamit ng bikes para sa essential at recreational activities. Kaya dapat mas madagdagan pa ang  bike lanes sa ating bansa. Kailangan din na gawing mas ligtas pa ang mga ito. Hanggang ngayon, kahit pa marami na ang bikers, sila pa rin ang kailangan mag-adjust sa kalye, kaya’t napaka-bulnerable pa rin nila.

Kapanalig, bilisan pa sana ng ating nasyonal at lokal na gobyerno ang pagtataguyod ng maayos na imprastraktura para sa mga bike lanes sa ating bayan. Mas cost-effective ito sa kalaunan dahil malaki ang impact nito sa ekonomiya pati sa public health. Makakatipid ang marami sa pagbili ng langis, mas mababawasan ang polusyon at makakaiwas pa sa mga hawaan sa sakit, at magiging mas healthy pa ang mga commuters. Bawas traffic din ito.

Ang paglalaan ng bike lanes para sa mga mamamayan ay kongkretong ebidensya ng panlipunang katarungan. Binibigyang espasyo nito ang mga dumadaming bikers o cyclists sa ating bayan, hindi lang ang mga private car owners na matagal ng naghahari sa ating lansangan. Pinapakita nito na ang public transport at ang mga lansangan ay mga public goods na dapat ay nagagamit ng lahat. Sabi nga sa Compendium of Catholic Social Teachings, isa ito sa mga esensyal na serbisyo at human rights ng mamamayan: “[The demands of the common good] concern … the provision of essential services to all, some of which are at the same time human rights: food, housing, work, education and access to culture, transportation, basic health care, the freedom of communication and expression, and the protection of religious freedom.”

Sumainyo ang Katotohanan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 10,963 total reads

 10,963 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 39,747 total reads

 39,747 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 80,306 total reads

 80,306 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 106,134 total reads

 106,134 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 154,401 total reads

 154,401 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 174,737 total reads

 174,737 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 39,748 total reads

 39,748 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 80,307 total reads

 80,307 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 106,135 total reads

 106,135 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top