Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 491 total views

30th Sunday of Ordinary time Cycle C

Sirach 35:12-14.16-18 2 Tim 4:6-8.16-18 Lk 18:9-14

Maraming mga kasabihan at kwento ni Jesus ay nagtatapos ng ganito: Ang nagmamataas ay binabagsak ng Diyos at ang nagpapakumbaba ay tinataas ng Diyos. Kaya maliwanag sa mga katuruan ni Jesus na namumuhi ang Diyos sa mga mayayabang at kinalulugdan niya ang mga mababa ang kalooban. Ang katuruang ito ay maliwanag sa ating unang pagbasa, ang aklat ni Sirach. Hindi bingi ang Diyos sa panalangin ng mga ulila at balo, mga taong pinababayaan ng lipunan. Ang panalangin ng mga mababa ang loob ay tumatagos sa langit at nakakarating sa Diyos. Kaya nga ang ating tugon sa pagbasa ay: “God hears the cry of the poor. Pinakikinggan ng Diyos ang daing ng mga mahihirap.”

Ito rin ang kahulugan ng talinhaga ni Jesus sa ating ebanghelyo. Hindi dininig ng Diyos ang dasal ng mayabang na pariseo. Sa totoo lang, ang kanyang dasal ay pagmamayabang sa harap ng Diyos at pagkukutya sa ibang tao, sa lahat nga ng mga tao. Hindi daw siya tulad ng lahat ng mga tao kasi nag-aayuno siya dalawang beses kada linggo (kaya ba ninyo iyan?) at nagbibigay siya ng tithing sa lahat na natatanggap niya (nagagawa din ba ninyo iyan?). Sa halip, ang dininig ng Diyos ay ang dasal ng isang nangongolekta ng buwis na sa lipunan nila noon ang tingin sa kanila ay makasalanan, kasi sila ay corrupt (oo, madaling paghinalaan na corrupt ang tax collectors, kahit na nga sa ating panahon) at collaborators ng mga dayuhan, kasi ang buwis na kinukuha nila sa kanilang kapwa Hudyo ay binibigay nila sa mga dayuhang Romano. Ang mga publikano ay ang mga kamay ng mga Romano para apihin ang mga Hudyo. Itong makasalanang ito, hindi siya makalapit sa harap ng templo, hindi nga makatingala ang ulo upang tumingin sa altar. Panay na lang ang dagok sa kanyang dibdib: “O Panginoon, maawa po kayo sa akin na isang makasalanan.” Ang kanyang dasal ang pinakinggan ng Diyos.

Oo, kinamumuhian ng Diyos ang nagmamayabang. Pero sino ba ang nagmamayabang? Ang lahat ba na kumikilala ng biyaya at pagpapala ng Diyos ay nagmamayabang? Wala na ba tayong kabutihan na magagawa? Mawawala ang self-esteem natin niyan!

Sa ating ikalawang pagbasa, kinilala ni Pablo ang kanyang achievements: “I have completed the race well; I have finished the race; I have kept the faith.” At ngayon nag-aantay na lang siya ng gantimpala ng katarungan mula sa Panginoon. Hindi ba ito pagmamayabang, pagtataas ng sarili niyang bangko? Ano ang pagkakaiba nito sa sinabi ng pariseo na siya ay nag-aayuno dalawang beses kada linggo at tapat sa pagbibigay ng kanyang ika-pu? Ang malaking pagkakaiba ay hindi sa pagbabanggit ng kanilang achievements. Dapat kilalanin din ang mabubuting bagay na nagagawa natin. Ang malaking pagkakaiba ay sinasarili ng mayabang ang kanyang ginawa. Dahil sa mga ito, iba na siya sa ibang tao. Sabi ng Pariseo: “Hindi ako tulad ng lahat ng tao, lalo na ng publikanong iyon.”

Iba si Pablo. Confident si Pablo na dahil sa kanyang nagawa umaasa siya sa gantimpala mula sa Diyos, pero hindi lang sa kanya kundi sa lahat na umaasa sa pagbabalik muli ng Panginoon. Kinilala din niya na kahit iniwan na siya ng mga kasama niya noong nililitis siya, hindi siya iniwan ng Panginoon. Pinagtanggol siya ng Diyos sa lahat ng kasamaan at dadalhin siya sa langit. Kinilala niya na sa Panginoon lang siya umaasa at pinupuri niya ang Diyos. Hindi nagmamayabang si Pablo. Nagpapatotoo lang siya sa mabubuting bagay na ginawa sa kanya at hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng nanalig at umaasa sa Diyos.

Sino naman iyong mga dukha at mababang loob sa harap ng Diyos? Ang pagiging dukha sa mata ng Diyos ay hindi lang iyong walang pera o iyong nahihirapan sa buhay. May mga walang pera ngunit mayayabang din. Tinatakpan nila ang kanilang economic poverty sa pagiging hambog sa iba at sa pang-aapi sa iba. Nagpapagamit sila sa mga may kaya upang apihin ang kapwa nilang mahihirap. Sa bilihan ng boto sino ba ang namumudmod ng pera? Hindi naman iyong mayayaman o mga politiko mismo! Sila iyong mga mahihirap din na nababayaran na ipamigay ang pera. Sino ang mga tau-tauhan ng mga politiko at ng mayayaman? Iyong mahihirap na kumakapit sa patalim, ibig sabihin, handang gumawa ng masama para lang makaahon at magkaroon ng kapangyarihan sa kapwa nilang mahihirap. Ang mga ito ay hindi pagpapalain ng Diyos. Hindi rin sila umaasa sa Diyos kundi sa sarili nilang diskarte, kahit na masasamang diskarte. Marami ring mahihirap na hindi nga nagdarasal, hindi nagsisimba. Kawawa naman talaga sila. Wala na ngang pera, wala pang pananalig
sa Diyos! Kapos na sa buhay, kapos pa sa pananampalataya!

Ang mga dukha at mabababang loob na kinalulugdan ng Diyos ay iyong mga tao na kahit na sila ay naaapi ng iba o ng kanilang kalagayan sa buhay, sila ay umaasa pa rin sa Diyos, na mahal pa rin sila ng Diyos. Ang inaasahan nilang tutulong sa kanila ay ang Panginoon. Kaya patuloy silang tumatawag sa kanya at kinikilala din nila ang kanilang pagkukulang at kasalanan. Kaya hindi lang sila humihingi ng material na pangangailangan. Ang hinihingi nila ay ang habag ng Diyos. Sa gitna ng kanilang kahirapan binubuksan nila ang kanilang sarili sa tulong ng Diyos. Hindi naman ito nangangahulugan na tumitingala na lang sila sa langit. Sila ay nagsisikap din na gumawa. Matulungin pa nga sila sa ibang nangangailangan. Dahil sa nararanasan nila ang magdusa, maunawain at mahabagin sila sa ibang nagdurusa. Ito po ang mga taong kinalulugdan ng Diyos. Ang tawag sa kanila ay mga ANAWIM ng Panginoon. Sila iyong tinutukoy ni Jesus noong banggitin niya, “Mapalad kayong mga dukha, mabibilang kayo sa paghaharian ng Diyos.” Ang mga taong ito ay malapit sa puso ng Diyos. Ang kanilang mga dasal ay pakikinggan ng Diyos.

Mahirap man tayo o hindi economically, maaari nating isabuhay ang attitude ng mga anawim. Huwag tayong umasa sa sariling galing at sariling resources lang. Umasa tayo sa Diyos na hindi nagpapabaya sa atin. Kilalanin natin ang ating kahinaan. Anumang kahirapan na dinadaanan natin ay mas lalong magpapahigpit sa ating pagkapit sa Diyos at bumubukas din sa ating puso sa pangangailangan ng iba. Maging isa sana tayo sa mga anawim ng Diyos.

Noong si Jesus ay nakapako sa krus, may dalawang makasalanan na pinako sa tabi niya. Ang isa ay mayabang pa rin at tulad ng mga kawal, hinahamon at kinukutya si Jesus na iligtas ang sarili niya kung siya nga ang Diyos. Iba iyong isa. Kinilala niya na dapat lang na parusahan siya kasi makasalanan siya pero ipinagtanggol niya si Jesus, na wala naman itong kasalanan. Kinilala niya na si Jesus ay hari at nagmakaawa siya na huwag siyang kalilimutan sa kanyang kaharian. Siya ay nabibilang sa mga anawim, at ang kanyang dasal ay kaagad pinakinggan ni Jesus: “Sa araw ding ito makakasama kita sa paraiso.” Ganoon kabilis makinig si Jesus sa mga daing ng mahihirap.

Ngayong Linggo ay World Mission Sunday. Pinapaalaala sa atin na patuloy pa ang gawain ng pagpapalagap ng kaharian ng Diyos sa buong mundo. Sa 7 billion na mga tao sa mundo, hindi di pa hihigit sa 2 billion ang nakakakilala kay JesuKristo. Marami pa ang kailangan liwanagan ng Magandang Balita ng kaligtasan. Tulungan natin ang mga misyonero. Ipagdasal natin sila na maging mabisa ang kanilang pamimisyon. Manghikayat tayo sa iba – mga kabataan, mga mag-asawa – na suriin kung sila ay tinatawag na maging misyonero. Tulungan din natin sa mga material na bagay ang mga misyonero. Limang daang taon na tayong mga kristiyano kasi may mga misyonero na pumarito. Hindi ba panahon na rin sa magpadala tayo ng mga misyonero at sumoporta sa kanila?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,896 total views

 5,896 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,036 total views

 19,036 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,009 total views

 25,009 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,764 total views

 30,764 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,026 total views

 38,026 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 434 total views

 434 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,748 total views

 2,748 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,875 total views

 8,875 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,004 total views

 7,004 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,287 total views

 9,287 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,193 total views

 12,193 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,132 total views

 13,132 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,126 total views

 13,126 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,844 total views

 16,844 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,690 total views

 18,690 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,687 total views

 18,687 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,196 total views

 23,196 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,512 total views

 28,512 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,670 total views

 30,670 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,827 total views

 32,827 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top