Sister Mananzan, pararangalan ng Pontifical Mission Society

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 960 total reads

Nakatakdang gawaran ng prestihiyosong Pauline Jaricot Award ng Pontifical Mission Society si Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB bilang pagkilala sa kanyang pagbihirang misyon hindi lamang sa paglilingkod sa Panginoon kundi maging para sa kapakanan ng mas nakararami.

Ayon kay Sr. Mananzan, kasalukuyan na siyang nasa Germany upang personal na tanggapin ang pagkilala sa ika-23 ng Oktubre, 2022 kasabay ng international celebration ng World Day of Prayer at World Mission Sunday.

“I am in Germany to receive another award aside from CEAP’s 2022 Pro Deo Et Patria Award] the Pauline Jaricot Award to be given by Missio on Oct. 23.” Ang bahagi ng mensahe ni Sr. Mananzan sa Radio Veritas.

Ang prestihiyosong Pauline Jaricot Award ay iginagawad ng Pontifical Mission Society na organisasyong kumakatawan sa pagsuporta ng Santo Papa Francisco sa mga misyonero para sa mga kababaihang mula sa Africa, Asya at Oceania na nakapagpamalas ng tunay na diwa ng pagkakawanggawa.

Pagbabahagi ng Pontifical Mission Society, ganap na naisabuhay ni Sr. Mananzan ang mga katangian ni St. Pauline Jaricot na paglilingkod sa Panginoon hindi lamang sa pamamagitan ng pananalangin kundi sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at pagtulong sa kapwa bilang daluyan ng pagmamahal ng Panginoon para sa lahat.

“Sr. Mary John is being honored for exemplifying the qualities of St. Pauline Jaricot “living joyfully the vocation that God gave her, teaching a spirit of prayer and loving sacrifice, and bringing mission into every moment.”

Bukod sa Pauline Jaricot Award ng Pontifical Mission Society nakatakda ring gawaran si Sr. Mananzan ng 2022 Pro Deo Et Patria Award ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) biglang pagkilala sa kanyang natatanging paninindigan at pagsusulong ng katarungang panlipunan bilang bahagi ng kanyang paglilingkod sa Panginoon at pagpapalaganap ng mga turo ng Simbahan.

Nakatakda ang paggagawad ng CEAP ng 2022 Pro Deo Et Patria Award kay Sr. Mananzan sa ika-26 ng Oktubre, 2022.

Si Sr. Mananzan ay kasalukuyang nagsisilbi bilang Vice President for External Affairs of St. Scholastica’s College at isa rin sa mga nangungunang religious personality na matapang na nagsusulong ng katurungang panlipunan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 42,417 total reads

 42,417 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 90,288 total reads

 90,288 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 194,236 total reads

 194,236 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 280,350 total reads

 280,350 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 348,473 total reads

 348,473 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top