Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakinggan ang hinaing ng mga PDL, panawagan ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total views

Makinig sa pagtangis ng kapwang nangangailangan ng pagkalinga gaya ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Nezelle O. Lirio,Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) kaugnay sa pagsisimula ng 35th Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon sa Pari, mahalaga ang pakikinig sa kapwa maging sa pagtangis ng mga bilanggo na nakagawa ng pagkakasala sa batas at kapwa.

Ipinaliwanag ni Fr. Lirio na mahalaga ang pakikinig upang makapagbuo ng mas epektibong correctional community na makapagdudulot ng paghilom, at ganap na pagbabalik loob sa mga nagkasala.

Sinabi ng Pari na ipinapaalala ng Prison Awareness Week na sa kabila ng mga kasalanang nagawa ay hindi pa rin naaalis ang dignidad ng mga bilanggo bilang isang tao.

Let us listen to each other’s cries, let us listen to the cries of our PDL brothers and sisters in order for us to form a healing and a reforming and a loving correctional community.”panawagan ni Fr. Lirio.

Ayon sa Pari, ang Panginoon ang tunay na huwaran ng pakikinig sa tawag ng sangkatauhan na sa kabila ng pagiging makasalanan ay mas nangingibabaw ang kanyang pagmamahal.

“God perfectly knows the art of listening that is why he is able to love us despite our imperfections. Napakagaling pong makinig ng Diyos, napakagaling makinig ng ating Panginoon kaya sa kabila po ng ating mga kasalanan kayang kaya pa rin tayong mahalin”.Dagdag pa ni Fr. Lirio.

Tema ng 35th Prison Awareness Week na gugunitain mula mula ika-24 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2022 ang “Towards Listening, Healing and Loving Correctional Community” na naglalayong higit na mapaigting ng Simbahan ang pakikinig sa mga hinaing ng mga bilanggo o PDLs (Persons Deprived of Liberty).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging instrumento ng katotohanan

 4,863 total views

 4,863 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 44,357 total views

 44,357 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 60,847 total views

 60,847 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 69,798 total views

 69,798 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 8,614 total views

 8,614 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top