Paggamit ng state resources tuwing halalan, ibinunyag ng LENTE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 752 total views

Inihayag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na hindi lamang vote buying ang suliraning dapat solusyunan upang matiyak ang integridad ng halalan sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos sa resulta ng isinagawang Abuse of State Resources (ASR) Monitoring Project ng LENTE noong nakalipas na National and Local Elections 2022.

Ayon sa pagsusuri ng LENTE ang Abuse of State Resources (ASR) o ang tahasang paggamit ng mga kandidato sa mga koneksyon at ari-arian na pagmamay-ari ng estado tuwing panahon ng halalan ay maituturing na isang uri ng kurapsyon o katiwalian sa pamahalaan.
Ipinahayag ng LENTE na hindi katanggap-tanggap ang paggamit sa mga ari-arian ng estado sa kampanya ng sinumang kandidato sapagkat inaalis nito ang integridad ng kabuuang proseso ng halalan.

“Abuse of State Resources (ASR) is an overlooked form of political corruption in the Philippines whereby candidates or political parties unduly utilize official powers and government resources to gain electoral advantage. What distinguishes ASR from the other acts of corruption is its indispensable electoral component, that is, the acts are committed to gain an advantage, and even ensure victory in the elections. Aside from vote buying, ASR is one of the most impactful ways of compromising electoral integrity.” pahayag ng LENTE.

Kabilang sa mga tinukoy ng LENTE na mga kaso ng Abuse of State Resources noong nakalipas na halalan ay ang paggamit ng mga sasakyan ng estado para sa transportasyon ng mga taga-suporta ng ncumbent candidates, gayundin ang paggamit sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan upang magsilbing lagakan ng mga campaign materials.

Ibinahagi ni Atty. Caritos ang ginagawa ng LENTE upang matugunan ang talamak na Abuse of State Resources tuwing halalan tulad ng pagsusulong ng policy and advocacy reforms sa Commission on Elections, Civil Service Commission, Department of Interior and Local Government at iba pang election stakeholders sa bansa.

“ASR (Abuse of State Resources) is a multi-faceted problem not only in Philippine elections but more importantly, from a governance standpoint. LENTE will continue to lobby for the necessary policy reforms to the Commission on Elections, Civil Service Commission, Department of Interior and Local Government, and other key election stakeholders to address the longstanding and prevalent practice of ASR.” Dagdag pa ng LENTE.

Iginiit ng LENTE na mahalagang mawakasan na ang mga Abuse of State Resources tuwing panahon ng eleksyon upang matiyak ang pagkakaroon ng integridad ng kabuuang proseso ng halalan.

Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay isa sa mga pangunahing kasaping organisasyon ng Halalang Marangal Coalition na binubuo ng iba’t ibang organisasyon na nagsusulong sa pagkakaroon ng matapat at marangal na halalan sa bansa na pinangungunahan ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 29,187 total views

 29,187 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 51,192 total views

 51,192 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 75,534 total views

 75,534 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 99,168 total views

 99,168 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 132,760 total views

 132,760 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top