Kumikilos na ang iba’t-ibang mga Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 912 total reads

Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa Diyos na naging ligtas sa kapahamakan dulot ng paglindol ay nagsasagawa na sila ng post disaster assessment sa mga lugar na pinaka-naranasan ang pagyanig.

“Sa ngayon po awa ng Diyos ay okay kami in general pero mayroon pa din mga naapektuhan na grabe at sila po ang may pangangailangan. Minor damages lang po sa mga Simbahan [bagamat] may isang Simbahan na hindi makakapag-celebrate ng misa kasi delikado [yung] pader nila.” mensahe ni Fr. Pillos sa Radyo Veritas.

Ang nasabing Simbahan ay ang St. John Bosco Parish na matatagpuan sa bayan ng Dingras, sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Fr. Pillos na na maglalabas ng ulat ang Diyosesis oras na makumpleto ang kanilang assessment at magsasagawa ng agarang pagtulong para sa mga apektadong residente kung kinakailangan.

Samantala, kumilos na din ang Archdiocese of Nueva Segovia sa pamamagitan ng social arm nito na Caritas Nueva Segovia upang alamin ang naging epekto ng lindol sa lalawigan ng Ilocos Sur
ayon sa mensahe ni Rev. Fr. Danilo Martinez ang Direktor ng nasabing tanggapan.

“We are okay pero we are waiting for the reports coming from the different Parishes” mensahe ni Fr. Martinez sa Radyo Veritas.

Samantala, sa lalawigan ng Abra kung saan naitala ang epicenter ng lindol ay walang naitalang matinding pinsala sa kasalukuyan ayon sa Social Action Director ng Diocese of Bangued na si Rev. Fr. Jeffrey Bueno.

Magugunitang ang lalawigan ng Ilocos Sur at Abra ang mga pinaka-naapektuhan ng naganap na magnitude 7 Earthquake noong Hulyo ng kasalukuyang taon kung saan 11 ang naitalang nasawi at nasa mahigit 600 na nasugatan.

Naganap ang magnitude 6.7 Earthquake isang minuto bago mag-alas onse ng kagabi kung saan naitala ang epicenter sa bayan ng Tineg Abra at naramdaman ang Intensity 5 na pagyanig sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur habang Intensity 4 naman sa Baguio City.

Naramdaman din ang lindol sa lalawigan ng Isabela, Nueva Viscaya, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Zambales, Rizal, at Quezon.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 3,348 total reads

 3,348 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 26,687 total reads

 26,687 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 67,247 total reads

 67,247 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 93,893 total reads

 93,893 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 142,160 total reads

 142,160 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 163,047 total reads

 163,047 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top