Simbahan sa Ilocos Norte, nasira ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,211 total views

Gumuho ang bahagi ng St. Joseph Parish sa Dingras, Ilocos Norte kasunod ng 6.7 magnitude na lindol.

Sa mga ipinadalang larawan ni Msgr. Joel Barut, rektor ng St. William Cathedral ng Diocese of Laoag, makikita ang malaking pinsala sa likurang bahagi ng Dingras Church.

Ang simbahan ng Dingras ay kabilang sa mga matatandang simbahang itinatag ng mga Agustino noong taong 1680.

Magugunitang isinailalim sa malaking pagsasaayos ang harapang bahagi ng Dingras Church noong 2010 makaraan ang mahabang taong pananatili sa mga tinamong pinsala mula sa iba’t ibang sakuna sa nakalipas na isang daang taon.

Samantala, nagtamo naman ng malaking bitak sa bahagi ng Saint John Bosco Parish sa Baresbes, Dingras kung saan napinsala din ang ilang gamit at imahen.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagmula ang epicenter ng lindol pitong kilometrong hilagang-kanluran ng Lagayan, Abra kung saan tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 11 kilometro.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang matukoy ang iba pang pinsala, gayundin ang mga indibidwal na apektado ng naganap na sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 27,514 total views

 27,514 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 49,519 total views

 49,519 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 73,861 total views

 73,861 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 97,533 total views

 97,533 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 131,262 total views

 131,262 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top