Paggamit ng state resources tuwing halalan, ibinunyag ng LENTE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 869 total reads

Inihayag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na hindi lamang vote buying ang suliraning dapat solusyunan upang matiyak ang integridad ng halalan sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos sa resulta ng isinagawang Abuse of State Resources (ASR) Monitoring Project ng LENTE noong nakalipas na National and Local Elections 2022.

Ayon sa pagsusuri ng LENTE ang Abuse of State Resources (ASR) o ang tahasang paggamit ng mga kandidato sa mga koneksyon at ari-arian na pagmamay-ari ng estado tuwing panahon ng halalan ay maituturing na isang uri ng kurapsyon o katiwalian sa pamahalaan.
Ipinahayag ng LENTE na hindi katanggap-tanggap ang paggamit sa mga ari-arian ng estado sa kampanya ng sinumang kandidato sapagkat inaalis nito ang integridad ng kabuuang proseso ng halalan.

“Abuse of State Resources (ASR) is an overlooked form of political corruption in the Philippines whereby candidates or political parties unduly utilize official powers and government resources to gain electoral advantage. What distinguishes ASR from the other acts of corruption is its indispensable electoral component, that is, the acts are committed to gain an advantage, and even ensure victory in the elections. Aside from vote buying, ASR is one of the most impactful ways of compromising electoral integrity.” pahayag ng LENTE.

Kabilang sa mga tinukoy ng LENTE na mga kaso ng Abuse of State Resources noong nakalipas na halalan ay ang paggamit ng mga sasakyan ng estado para sa transportasyon ng mga taga-suporta ng ncumbent candidates, gayundin ang paggamit sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan upang magsilbing lagakan ng mga campaign materials.

Ibinahagi ni Atty. Caritos ang ginagawa ng LENTE upang matugunan ang talamak na Abuse of State Resources tuwing halalan tulad ng pagsusulong ng policy and advocacy reforms sa Commission on Elections, Civil Service Commission, Department of Interior and Local Government at iba pang election stakeholders sa bansa.

“ASR (Abuse of State Resources) is a multi-faceted problem not only in Philippine elections but more importantly, from a governance standpoint. LENTE will continue to lobby for the necessary policy reforms to the Commission on Elections, Civil Service Commission, Department of Interior and Local Government, and other key election stakeholders to address the longstanding and prevalent practice of ASR.” Dagdag pa ng LENTE.

Iginiit ng LENTE na mahalagang mawakasan na ang mga Abuse of State Resources tuwing panahon ng eleksyon upang matiyak ang pagkakaroon ng integridad ng kabuuang proseso ng halalan.

Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay isa sa mga pangunahing kasaping organisasyon ng Halalang Marangal Coalition na binubuo ng iba’t ibang organisasyon na nagsusulong sa pagkakaroon ng matapat at marangal na halalan sa bansa na pinangungunahan ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,997 total reads

 4,997 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 29,337 total reads

 29,337 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 69,896 total reads

 69,896 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 96,425 total reads

 96,425 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 144,691 total reads

 144,691 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 165,447 total reads

 165,447 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,998 total reads

 4,998 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

Mga Pari, mensahero ni kristo

 9,069 total reads

 9,069 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »
Scroll to Top