Our Lady of the Assumption parish, kinilalang “bedrock of faith at witness to history

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,413 total reads

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Our Lady of the Assumption Parish sa Canaman, Camarines Sur sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Sa unveiling ng national historical marker, tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines OIC-Executive Director Carminda Arevalo mahalagang papel ng Our Lady of the Assumption Parish sa pagpapalago ng pananampalatayang Katoliko at bilang saksi sa mayamang kasaysayan ng bansa.

Ayon kay Arevalo, ang National Historical Marker ay iginawad bilang pagkilala ng estado sa pinakamatandang parokya sa Pilipinas.

“Isa ang Simbahan ng Canaman sa pinakamatandang parokya hindi lamang sa kaBikolan kundi sa buong Pilipinas. Ang paglalagay ng panandang pangkasaysayan na ito ay pagkilala ng estado sa papel na ginampanan ng Simbahang ito hindi lamang bilang gusaling pang-relihiyon kundi bilang makasaysayang pook ng Pilipinas.”pahayag ni Arevalo.

Tiniyak naman ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang patuloy na pangangalaga at pagpapayabong sa Simbahan ng Our Lady of the Assumption Parish ng Canaman.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalaga para sa Simbahan ang kasaysayan lalu na ang history of salvation na nakaugat sa kasaysayan ng buhay ng tao.

Sinabi ni Archbishop Tirona na ipinapaalala ng mayamang kasaysayang nasaksihan ng Our Lady of the Assumption Parish ng Canaman ang katotohanang magkaugnay ang mayamang kasaysayan ng isang bayan sa patuloy na pagpapalago ng pananampalataya sa maykapal.

Sa naganap na paghawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan sa Our Lady of the Assumption Parish ay pormal din na kinilala ang parokya bilang “Bedrock of Faith, and a Witness to History.”

Itinatag ang Our Lady of the Assumption Parish noong 1583 sa ilalim ng Arkidiyosesis ng Nueva Caceres na isa sa pinakamatandang Simbahan hindi lamang sa Bicol region kundi sa buong bansa.

Nasasaad sa panandang pangkasaysayan o National Historical Marker na mababasa sa tarangkahan ng Simbahan ang mayamang kasaysayan na nasaksihan ng Our Lady of the Assumption Parish o mas kilala bilang Simbahan ng Canaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 85,018 total reads

 85,018 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 116,748 total reads

 116,748 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 218,573 total reads

 218,573 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 259,133 total reads

 259,133 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 276,050 total reads

 276,050 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 55,325 total reads

 55,325 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top