Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Ang mga Filipino talaga, kapanalig, madiskarte. Sa hirap ng buhay sa ating bayan, marami sa ating mga kababayan ang kaliwa’t kanan ang raket para lumaki ang kita para sa pamilya. Di na nila alintana ang pagod at puyat, raket lang sila ng raket para sa kabuhayan at ekonomiya.

Freelancers ang tawag natin sa mga raketero at raketera sa ating bayan. Ang mga freelancers kapanalig, ay ang mga kababayan nating self-employed at nangongontrata para sa paisa-isa o short-term na task o trabaho o project. Nagbibigay sila ng serbisyo sa iba ibang kliyente o customers.

Ayon sa 2022 Freelance Market Report, umaabot na sa 1.5 million ang mga freelancers sa ating bansa. Tinatayang lalaki pa ito sa darating na panahon. Noong 2019, ang Pilipinas na ang pang-anim sa pinakamabilis na lumagong freelance market sa buong mundo. Napakasipag at malikhain din ang mga freelancers sa ating bansa. Karamihan sa kanila ay may sariling negosyo habang may iba pang mga side gigs o raket. Ang mga kliyente nila ay kadalasan mula sa ibang bansa.

Maganda man ang kita ng maraming mga freelancers at masigla man ang kanilang merkado ngayon, marami pa rin silang hamong hinaharap. Mahirap tiyakin na tuloy-tuloy ang daloy ng trabaho at kita ng freelancer. Dahil nga per job ang kontrata, short-term lang talaga ang kanilang mga trabaho, at kailangan nila lagi maghanap ng kliyente upang patuloy ang daloy ng kita.

Minsan, maliit din ang bigay ng  mga kliyente.  May mga kliyente pa nga na sobrang baba ang ino-offer sa mga freelancers, mas mababa pa sa minimum wage – halos barya. Napipilitan tuloy tumanggap ang freelancer ng maraming kliyente para sumapat ang kita para sa kanilang pangangailangan. Dahil dito, halos walang pahinga o tulog ang marami sa kanila para kanilang matapos ang requirements ng kanilang mga customers. Kailangan lagi silang good reviews, dahil sa freelancing, kadalasan, you are only as good as your last project. Nasasadlak sila sa modern-day slavery sa ganitong sitwasyon.

Isa pang hamon sa mga freelancers ay ang kawalan ng social protection. Gaya ng mga iba pang manggagawa na nabubuhay ayon sa arawang kita o o short-term contract, ang mga freelancers ay kadalasang walang sick leave o health benefits, wala rin silang mga retirement schemes gaya ng sa SSS, liban na lamang kung magvo-voluntary membership sila dito.

Sa laki ng mga hamon na ito, kailangan ng mga freelancers ang ating suporta kapanalig. Sila ang simbolo ng pagbabagong anyo ng mga manggagawa sa ating modernong panahon. Sa kanilang balikat nakapisan din ang ekonomiya ng bansa. Dahil sa kanilang sipag, maraming pamilya ang naka-salba sa napakahabang lockdown sa ating bansa noong kahitikan ng pandemya. Sabi nga sa Rerum Novarum: It is only by the labor of working men that States grow rich. Marapat lamang na  pangalagaan ng pamahalaan at lipunan ang kapakanan ng mga freelancers, ang makabagong manggagawa ng bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 6,528 total reads

 6,528 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,774 total reads

 19,774 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,335 total reads

 60,335 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,335 total reads

 87,335 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 135,600 total reads

 135,600 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 156,793 total reads

 156,793 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 19,775 total reads

 19,775 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 60,336 total reads

 60,336 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 87,336 total reads

 87,336 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top