Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi lamang pang-eleksyon ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

SHARE THE TRUTH

 1,065 total views

Ito ang nilinaw ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano kaugnay sa mga programa at gawain na patuloy na ginagawa ng PPCRV bagamat sinuspendi ang nakatakdang halalang pambarangay.

Ayon kay Serrano, tinututukan ng PPCRV ang pagpapalakas sa ugnayan sa iba’t ibang election stakeholders lalu na sa Commission on Election (COMELEC).

Ibinahagi din ni Serrano ang mga programa para sa PPCRV volunteers.

“Yung aming partnership and relationship with COMELEC and other stakeholders palalakasin pa lalo. As early as now mino-mobilized na yung aming mga efforts at saka pinapa-create namin sila ng mga activities para sa ganun hindi natutulog yung PPCRV, matagal pa yung eleksyon mayroong ginagawa ang PPCRV.” pahayag ni Serrano sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Serrano na patuloy din ang ginagawang voters empowerment ng PPCRV sa pamamagitan ng voters education bilang tugon sa suliranin ng disinformation, misinformation at proliferation of fake news tuwing panahon ng eleksyon.

Pinapalakas din ng PPCRV ang good governance monitoring upang matiyak ang maayos, matapat at marangal na paglilingkod sa bayan ng mga naihalal na opisyal.

Matatandaang ikalawang linggo ng Oktubre, 2022 ng opisyal na lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na muling magpapaliban sa nakatakdang 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na una ng itinakda sa ika-5 ng Disyembre ng kasalukuyang taong 2022.

Nasasaad sa Republic Act No. 1-1-9-3-5, ang pagpapaliban ng 2022 Barangay and SK Elections sa huling Lunes ng Oktubre ng susunod na taong 2023 at matapos ang kada tatlong taon.

Unang ikinadismaya ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang muling pagpapaliban ng halalang pambarangay na maituturing na pagsasawalang bahala sa kahalagahan at tungkuling ginagampanan ng mga opisyal ng barangay sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 12,560 total views

 12,560 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 28,649 total views

 28,649 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 66,392 total views

 66,392 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 77,343 total views

 77,343 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 21,642 total views

 21,642 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 14,675 total views

 14,675 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top