Bigyan ng dignidad ang mga namatay na NBP inmates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,837 total reads

Ang dignidad ng bawat tao ay dapat na bigyang halaga hanggang sa kamatayan.

Ito ang binigyang diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagkakatuklas sa mga labi ng mahigit sa 170 mga Persons Deprived of Liberty o bilanggo ng New Bilibid Prison sa punerarya sa Muntinlupa City.

Ayon kay Rev. Fr. Nezelle Lirio – executive secretary ng kumisyon, ang dignidad ng tao na kaakibat ng ipinagkaloob na buhay ng Panginoon ay dapat pahalagahan at protektahan maging ng mga bilanggo.

Ipinaliwanag ng Pari na hindi nagtatapos sa kamatayan ang pagbibigay kahalagahan sa dignidad ng isang indibidwal kung saan dapat na bigyan ng maayos na pagtrato maging ang labi ng isang pumanaw na.

“Isa pong dahilan kung bakit namin ginagawa yung pagpapahalaga at paglilingkod sa mga PDLs (Persons Deprived of Liberty) ay pinapakita po natin na mahalaga yung buhay. Nung likhain kasi tayo ng Diyos pinakita po dito, binigay po sa atin yung dignity, yung likas na karangalan ng tao ibig sabihin mahalaga po yung buhay ng tao kahit ano yung nagawa niya, may mali, may pagkakasala mahalaga pa rin.” pahayag ni Fr. Lirio sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Fr. Lirio ay ang pagdalaw sa mga libingan at tuwinang pag-aalala sa kaarawan at kamatayan ng mga pumanaw.

“Kristiyano ka man o hindi Kristiyano iba’t-iba po tayo ng pagrespeto o pagpapahalaga dun sa yumao natin, kaya nga po nandun yung ating pagdalaw sa kanila sa libingan, pinapahalagahan natin yun kanilang kaarawan, yung kanilang kamatayan, taon-taon mayroon tayong All Saints Day, All Souls Day ibig.” Dagdag pa ni F. Lirio.

Umaapela ang Pari na nawa ay pahalagahan ng bawat isa ang buhay ng kapwa maging ng mga nasa bilangguan at bigyan ng naaangkop na respeto at paggalang hanggang sa kanilang pagpanaw.

Natuklasan ang mga labi ng nasa 170-bilanggo ng New Bilibid Prison sa Eastern Funeral Services sa Muntinlupa City kung saan magsasagawa ng autopsy si Dr. Raquel Fortun sa mga pumanaw na NBP inmates.

Ito ay may kaugnayan sa isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 89,674 total reads

 89,674 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 172,704 total reads

 172,704 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 267,033 total reads

 267,033 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 328,718 total reads

 328,718 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 370,271 total reads

 370,271 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top