Itigil na ang pamumuhunan sa maduming enerhiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,972 total reads

Nanawagan ang mga environmental, labor, at human rights group sa mga pamahalaan ng mayayamang bansa na pagtuunan ang mga krisis na nakakaapekto sa kalikasan at ekonomiya ng buong mundo.

Kaugnay ito sa ginanap na Peoples’ Climate Strike na pinamagatang Asian Day of Action for Climate and Economic Justice sa Liwasang Aurora sa Quezon City Memorial Circle nitong Nobyemre 16, 2022.

Ayon kay No Burn Pilipinas senior program officer Glenn Ymata, masyado nang umiikli ang panahon lalo na ng mga mayayamang bansa sa paglikha ng mga desisyong naaangkop upang mapigilan ang lumalalang krisis sa kapaligiran.

Ipinaliwanag ni Ymata na ito’y dahil na rin sa patuloy na pagsuporta at pamumuhunan ng mga bansa sa maruming enerhiya at proyektong nakadaragdag sa pagbabago ng klima at kahirapan sa mamamayan.

“Sa sistema ng ating ekonomiya kung saan ang mas may pera ay siyang nagkakaroon ng oportunidad para yumaman at umunlad, samantalang ang mga mahihirap bukod sa sila na ang nakakaramdam ng higit na epekto ng krisis sa klima, sila pa ‘yung bumibitbit ng pasan sa matataas na buwis,” pahayag ni Ymata sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan naman ng opisyal sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagtuunan ang pakikinig sa mga hinaing ng mahihirap na mamamayan at lumikha ng mga batas na magpapahalaga sa karapatan ng nakararami.

Iginiit din ni Ymata ang pagsasaayos sa sistema ng pagbubuwis upang matulungan ang mga mahihirap na maibsan ang mga pasanin sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang Peoples’ Climate Strike ay pinangunahan ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development, katuwang ang Philippine Movement for Climate Justice, Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Laudato Si’ Movement Pilipinas, Conference of Major Superiors in the Philippines, at iba pang grupo at organisasyon.

Kasabay nito ang isinasagawang United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit sa Sharm El Sheikh, Egypt at G20 Summit sa Bali, Indonesia.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 4,901 total reads

 4,901 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 16,893 total reads

 16,893 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 57,453 total reads

 57,453 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 84,611 total reads

 84,611 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 132,876 total reads

 132,876 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 154,207 total reads

 154,207 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,629 total reads

 128,629 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top