Pagbasura ng Justice secretary sa rekomendasyon ng UNHRC, ikinatuwa ng SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,703 total reads

Ikinatuwa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagbasura ng kontrobersiyal na Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa rekomendasyon ng UN Human Rights Council na pagsasabatas sa bansa ng mga panukalang labag sa pananampalatayang Kristiyano.

Ibinahagi ni Laiko National President Raymond Daniel Cruz, Jr. ang kagalakan sa pagsasantabi ng kalihim sa rekomendasyon ng U-N-H-R-C na isabatas ang abortion, same sex marriage, divorce bill, death bill at iba pang anti-family bills.

“Marami ang lubhang natuwa sa ginawang paninindigan ni DOJ Sec. Remulla at sa pagsasantabi ng mga rekomendasyon ng UN Human Rights Council na isabatas sa ating bansa ang mga panukalang batas na likas na labag sa ating pananampalatayang Kristiyano.” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Nanawagan naman si Cruz sa bawat laiko, relihiyoso at mga lingkod ng Simbahan na sama-samang ipanalangin ang mga mambabatas sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na manindigan sa mga panukalang batas na magpapahina sa ‘moral fiber’ ng bansa.

“Panalangin natin na sana ay hindi rin ito payagang maipasa sa ating Senado dahil hindi ito makalulutas ng mga problema nang ating bayan, bagkus ay magpapahina pa sa “moral fiber” nang ating bansa. Hinihimok natin ang mga kapwa laiko at mga kaparian at relihiyoso na sabay-sabay nating itaas ang mga panalanging ito kay Kristong Hari na Mundo at sa mahal nating Inang Maria at amang si San Jose!” Dagdag pa ni Cruz.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na siyang implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) ay taunang nagdaraos ng gawaing tinaguriang Walk for Life bilang patuloy na paninindigan laban sa isinusulong na DEATH bills kabilang na ang Divorce, Euthanasia, Abortion, Total Reproductive Health, Homosexuality (Same Sex Marriage) at ang pagbabalik ng death penalty sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 52,821 total reads

 52,821 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 89,587 total reads

 89,587 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 124,886 total reads

 124,886 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 351,156 total reads

 351,156 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 241,564 total reads

 241,564 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top