Pangangalaga sa karapatan ng mga kabataan, tiniyak ng liderato ng Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,886 total reads

Tiniyak ng liderato ng Kamara ang pagsusulong sa pangangalaga sa karapatan ng mga kabataan kasabay na rin ng taunang paggunita sa National Children’s Month tuwing buwan ng Nobyembre.

Sa katunayan, inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na 15-panukalang batas ang nakabinbin sa Mababang Kapulungan para sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga bata.

Iginiit ng mambabatas na bilang mga kinatawan ng kapulungan ay ang tungkuling pagkikilala sa karapatan at pangangailangan ng mga bata.

“Suffice it to say that your House of Representatives stands united with those who seek to ensure that our children’s physical, emotional and mental health are sufficiently protected and secured,” ayon kay Romualdez.

Ang House Committee on the Welfare of the Children ay pinamumunuan ni BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co.

Kabilang sa mga panukala ay ang magtatanggol sa kabataan laban sa karahasan maging sa pisikal o maging sa digital media at pagpapataw ng parusa sa mga lalabag.

Gayundin ang mga serbisyo para sa mental health na makakatulong sa bawat isa na humarap sa mga hamon ng buhay sa takdang panahon.

“The world has changed. Between social media and the COVID-19 pandemic, the world we once knew is no longer the world we live in now … These societal changes come with their own challenges,” dagdag pa ng mambabatas.

Una na ring nagbabala ang UNICEF sa pangmatagalan epekto sa mental health ng mga kabataan sa karanasan na dulot ng pandemya.

Bago pa ang novel coronavirus pandemic, may isa sa pitong bata sa buong mundo na nasa pagitan ng edad 10 at 19 ang na-diagnose na may mental-health disorder.

May 46-libo sa mga ito ang naitalang nagpapakamatay kada taon kung saan kabilang ang mental health disorder sa pangunahing dahilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 52,859 total reads

 52,859 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 89,611 total reads

 89,611 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 124,910 total reads

 124,910 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 351,180 total reads

 351,180 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 241,588 total reads

 241,588 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 10,757 total reads

 10,757 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top