Hindi pa nawawala ang COVID

SHARE THE TRUTH

 261 total views

Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang mga panahong nagkukumahog ang ating bansa sa paghahanap ng bakuna laban sa COVID-19?

Isa nga ang Pilipinas sa mga developing countries kung saan tila ba napakailap ng pagdating ng mga bakunang kailangan upang proteksyunan ang populasyon laban sa COVID. Pinuná noon ang mistulang pagkamkam ng mayayamang bansa sa mga bakuna. Habang naghihintay ang mga maliliit na bansang mahatiran ng bakuna, nag-aalok na sila sa kanilang mga mamamayan ng second at third boosters. Nagkaroon pa nga noon ng COVAX, isang global initiative na magdadala ng bakuna sa maliliit na bansang katulad ng Pilipinas, ngunit ilang beses din itong nagkulang sa mga supply dahil sa pagkontrol ng malalaking bansa.

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nasa 68% na ng ating populasyon ang fully vaccinated na o nakatanggap na ng dalawang doses. Katumbas ito ng 73.6 milyong Pilipino. Milyun-milyon na rin ang nabigyan ng booster dose, ngunit mukhang matumal ang pamamahagi ng nito. Nasa 20.8 milyon lamang ang nakatanggap ng kanilang unang booster.

Ang resulta? Mahigit 31 milyong vaccine doses na nagkakahalaga ng 15.6 bilyong piso ang naaksaya. Sa bilang na ito, 24 milyon ang na-expire dahil hindi naipamahagi bago matapos ang shelf life ng mga ito. Pitong milyon naman ang hindi na maaaring gamitin dahil nainitan na sila, habang may mga bakuna namang hindi pa nabubuksan o nagagamit. Dagdag pa ng Department of Health, karamihan ng mga nasayang na bakuna ay binili ng pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan.

Ang pag-aatubiling magpabakuna o vaccine hesitancy ang itinuturong dahilan ng pagkasayang ng mga bakuna. Ngayong halos balik na tayo sa tinatawag na old normal kung saan boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face masks, marami na nga ang kampante. Hindi na napapansin ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID. Hindi na napagtutuunan ng atensyon ng publiko ang mga namamatay dahil sa sakit na ito. Parang wala na ngang COVID.

Hindi lamang ang mga eksperto ang nagpapaalala sa atin tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna. Maging si Pope Francis, tinawag na “moral obligation” nating mga Kristiyano ang pagpapabakuna laban sa COVID. Isa nga raw itong “act of love”—isang gawain ng pag-ibig—dahil isinasaalang-alang natin hindi lamang ang ating kaligtasan kundi ang kaligtasan din ng ating kapwa. Templo ng Espiritu Santo ang ating katawan, wika nga sa 1 Corinto 6:19, ngunit bilang mga Kristiyano, tinatawag din tayong isipin ang ikabubuti ng ating komunidad. Dagdag ng Santo Papa, hindi man daw lubusang mapoproteksyunan ng bakuna ang ating katawan laban sa COVID, ito ang pinakamakatwirang paraan upang hindi na lumaganap pa ang sakit na ito.

Samantala, dapat pang palakasin ng gobyerno ang kampanya nito sa pagpapabakuna. Kung ang nakikita nitong dahilan ay ang pag-aatubili ng mga tao, kailangan itong tugunan sa pamamagitan ng malawakan at masigasig na paghahatid ng tama at tapat na impormasyon. Hindi kasi nakasasabay ang kampanya para sa pagpapabakuna sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang buksan at pasiglahin ang ating ekonomiya. Aanhin natin ang masiglang ekonomiya kung marami naman ang lantad sa sakit?

Magkakaroon muli ng tinatawag na “Bakunahang Bayan” ang DOH ngayong Disyembre. Tatakbo ito sa loob ng dalawang araw, at sana ay mas marami sa atin ang makapagpabakuna. Mahalaga ito lalo na’t lumalamig na ang panahon na nagdadala ng mga sakit na maituturing na sintomas ng COVID. Nagpapasalamat tayo sa Panginoon dahil mas kakaunti na ang tinatamaan ng sakit na ito, ngunit panahon lang ang makapagsasabi kung kailan lubusang mawawala ang COVID.

Mga Kapanalig, muli, ang pagpapabakuna, ani Pope Francis, ay isang simple ngunit makahulugang pagpapamalas ng malasakit sa isa’t isa. Huwag nating sayangin ang biyaya ng bakuna.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 21,912 total views

 21,912 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 27,330 total views

 27,330 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 34,037 total views

 34,037 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 48,834 total views

 48,834 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 54,990 total views

 54,990 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 21,913 total views

 21,913 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 27,331 total views

 27,331 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 34,038 total views

 34,038 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 48,835 total views

 48,835 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 54,991 total views

 54,991 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 39,417 total views

 39,417 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 50,001 total views

 50,001 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 58,218 total views

 58,218 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 42,451 total views

 42,451 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 48,427 total views

 48,427 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 51,520 total views

 51,520 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 41,225 total views

 41,225 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 42,113 total views

 42,113 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 57,416 total views

 57,416 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 69,825 total views

 69,825 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top