Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,699 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Unang Linggo ng Adbiyento, 01 Disyembre 2022, Mt 7:21,24-27

Noong kabataan ko pa, sumikat ang commercial ng isang Bangko dahil sa slogan na inuulit-ulit sa radyo at TV: “Subok na Matibay, Subok na Matatag.” Kaya nang na-bankrupt at tuluyang bumagsak ang nasabing bangko, naging parang katatawanan ang pinasikat na slogan. May isang entertainment host sa isang noontime TV show, inispoof niya ang slogan: “Subok na mahina, Lubos nang Malansag.”

Parang naging aral iyon sa mga kliyente; ang ebidensya ng katatagan ng isang kumpanya ay wala sa sinasabi. Nasa ginagawa. Para bang bumili ka ng bahay na nakatayo na. Maaaring ang nakikita mo ay maganda at maayos, pero ang pinakaimportante, ang nagbibigay tatag ay hindi mo nakikita dahil nasa ilalim. Ito ang pundasyon.

Nakikita natin ang madalas mangyaring mga landslide sa Baguio City, di ba? Kung paanong gumuguho at bumabagsak ang naglalakihang mga bahay kapag merong landslide. Habang dumadausdos pababa, nakikita mo ang mahinang pundasyon.

Ang ebanghelyo natin ngayon ay hindi naman tungkol sa pagtatayo ng bahay. Talinghaga lang ito. Mga tipo ng pagkukumpara o paglalarawan na nagpapakita sa carpentry background ni Hesus. Pero tungkol sa pagiging alagad ang talagang punto niya. Na kahit totoo na napakahalaga sa buhay ng alagad na malaman o matutuhan ang Salita ng Diyos, sa bandang huli, ang tunay na mahalaga ay ang pagsasagawa o pagsasabuhay nito.

Sa Tagalog, pag nagreact ang tao sa pangako ng isang taong kilala niyang hindi tumutupad ng salita, minsan sinasabing patalinghaga, “Ay naku, isulat mo sa tubig.” Ibig sabihin, madaling maglaho o makalimutan o hindi maaasahan. Pero pag kapani-paniwala ang nagsasalita, nasasabi, “Ah iyan, itaga mo sa bato.” Ibig sabihin hindi nabubura, pinaninindigan, o tinatayaan ng tao ng buo niyang pagkatao.

Sa Genesis, sa kuwento ng paglikha, sapat na sa Diyos na sabihin “Magkaroon nito o magkaroon ng ganoon at nagkakaroon nga. Ibig sabihin, ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan. Nakapangyayari, nakalilikha, nakapagbabago. Kaya hindi sapat para sa atin na ituring si Kristo bilang bilang Propeta o Tagapagsalita o Tagahatid ng Salita. Siya mismo ang SALITA, salitang nagkatawang tao. Ang buong buhay niya, isip niya, ugali niya at pakikitungo sa kapwa, ang mismong gawain niya ay nagpapatotoo sa Salita ng Diyos.

Ang pinakamasakit na batikos na nabitawan ni Hesus tungkol sa mga Pariseo ay “Sundin ang sinasabi nila ngunit huwag pamarisan ang ginagawa nila.” Walang saysay ang Salitang hindi napaninindigan, o naisasabuhay. Hindi nagkakatawang-tao.

Ang katatagan ng disipulo ay nakikita lalong-lalo na sa mga sandali ng pagsubok. Nananatili, kahit hagupitin ng mga bagyo at unos ng buhay. Lumipas man ang langit at lupa, ang Salita ng Diyos ay hindi kailanman lilipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 7,549 total views

 7,549 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 58,233 total views

 58,233 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 64,362 total views

 64,362 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 94,276 total views

 94,276 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 113,023 total views

 113,023 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 347 total views

 347 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 67,930 total views

 67,930 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 18,222 total views

 18,222 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 22,095 total views

 22,095 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top