Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 827 total views

Alam niyo kapanalig,  may maliit na segment o bahagi ang ating transport sector na karaniwang nakakalimutan ng ating bayan. Kahit lagi natin silang tinatangkilik, kahit nakikita sila sa halos lahat ng kalye ng bansa, o minsan pa nga, kahit wala pang kalye, ang kapakanan nila ay lagi nating nakakaligtaan. Sila ay walang iba kundi ang mga tricycle drivers ng bayan.

Kapanalig, sinasabing mahigit pa sa apat na milyon ang mga tricycle drivers sa ating bayan. Marami ang hindi nakarehistro, at karamihan ay nasa impormal na sektor. Sa Metro Manila, tinatayang mahigit sa 300,000 ang rehistradong motorcycle units.

Napaka-useful ng tricycle drivers sa atin. Mura pa ang pagsakay dito. Dahil sa kanila, nakakapasok ng walang hirap ang mga commuters kahit sa mga napakaliit na eskinita. Sa mga probinsiya, nakakatawid ng mga bundok at mga sakahan ang mga habal-habal. Nakakapagpadeliver pa tayo ng iba ibang produkto sa mas murang halaga dahil sa mga tricycles.

Kaya lamang, naiiwanan na rin ng panahon ang mode of transport na ito. Mausok sila – nagiging source na rin ng polusyon at ng mga emisyon na nakakasira ng ating kalikasan. Isa pa, nagtataas na rin ng krudo, na nagpapahirap din sa buhay ng mga tricycle drivers. Marami sa kanila, walang subsidiya, at hindi naman agad-agad ang pagtaas ng pasahe, kahit pa napakataas na ng presyo ng krudo.  Sa lahat ng mga isyung ito, paano na ang mga tricycle drivers ng bayan?

Hindi matatawaran ang serbisyo ng mga tricycle sa ating bayang, kapanalig. Nararapat lamang na atin silang matulungan hindi lamang upang maka-survive sa hirap ng buhay ngayon kundi upang makapag-upgrade rin para mas maigihan pa nila ang kanilang serbisyo sa lipunan.

May mga proyekto na upang mamodernize ang mga tricycles, gaya ng mga e-trikes o di kaya pag-gamit ng clean energy. May transport modernization program din ang bansa, at kasama din dito ang mga tricycles. Kaya lamang, mabagal ang implementasyon ng mga ito dahil may kaakibat na gastos ito na hindi kaya ng mga tricycle drivers at ng karamihan nga ating mga local government units.

Ang ating pag-alaga sa mga tricycle drivers at ang pagtutok sa modernisasyon ng kanilang mga sasakyan ay direktang tulong at tugon sa mga maralita, na siyang pangunahing customer pati manggagawa ng subsector na ito. Mainam na sana ay maprayoridad ito – ang kanilang pagkilos ay malaking tulong sa patuloy na pag-unlad ng ating mga industriya at mga merkado.

Sabi nga sa Rerum Novarum: the labor of the working class, kung saan kasapi ang ating mga trike drivers – is especially responsible and indispensable.  Justice, therefore, demands that the interests of the working classes should be carefully watched over by the administration, so that they who contribute so largely to the advantage of the community may themselves share in the benefits which they create.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 7,504 total views

 7,504 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 58,188 total views

 58,188 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 64,317 total views

 64,317 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 94,233 total views

 94,233 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 112,981 total views

 112,981 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NUMBER’S GAME

 58,189 total views

 58,189 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 64,318 total views

 64,318 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 94,234 total views

 94,234 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »
Scroll to Top