Mga Kasanayan para sa Bagong Panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 760 total reads

Kapanalig, iba na ang job market ngayon. Marami ng mga trabaho ang wala sa ating mga merkado ng mga nakalipas na taon. Magandang balita ito para sa maraming kabataan natin na naghahanap ng trabaho. Oportunidad ito para kumita ng mas malaki at magkaroon ng bagong kaalaman.

Kaya lamang, bago tayo makapasok sa mga makabagong trabaho ngayon, kailangan din natin, syempre, ng bagong kasanayan. Hindi natin maabot ang mga bunga at ganansya ng bagong merkado kung wala tayong kasanayan para dito.

Kapanalig, ang bulko ng mga bagong trabaho ngayon ay digital. Ayon nga sa isang pag-aaral, 75% ng mga employers sa apat na bansa sa Asya at Pasipiko ay tumaas ang demand para sa mga digital jobs nitong nakaraang limang taon. Inaasahan na mas tataas pa ang demand nito dahil tinatayang aabot ng $2 trillion ang e-commerce pagdating ng 2025. Handa ba ang ating education sector sa hamon na ito? Kaya bang magbigay ng kakailanganing kasanayan ng mga mag-aaral upang handa sila sa demand ng bagong merkado?

Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), mababa ang digital literacy rate sa ating bayan. 40% lamang ang may isa sa anim na ICT skills na binabantayan para sa Sustainable Development Goals o SDG.

Kapanalig, para maging handa ang ating mga kabataan sa nagbabagong mundo ng komersyo sa buong mundo, kailangan natin pataasin, unang una ang digital literacy sa ating bansa. Hindi lamang ito hadlang sa pag-unlad ng mga kabataan. Ang  mababang digital literacy ay hadlang din sa paglago ng ekonomiya ng bayan.

Komprehensibo dapat, kapanalig, ang ating pagtugon sa isyung ito. Kailangan tingnan din dito ang comprehension skills at math skills ng mga kabataan dahil ito ay pundasyon ng digital skills. Mahihirapan maka-akyat ng lebel ng digital skills mula basic hanggang advanced kung hirap magbasa at magbilang ang mga bata. Kung toothbrush drills pa lamang ang ating inihahanda ngayon para sa mga bata, malayo pa ang ating kailangang habulin.

Ang pagbibigay ng kasanayan sa mga mamamayan upang sila at ang kanilang pamilya ay maka-angat sa buhay ay ehemplo ng panlipunang katarungan. Sabi nga sa Pacem in Terris, lahat ay may karapatan sa mga paraan na angkop para sa wastong pag-unlad ng buhay. Kung ipagkakait natin ang mga kasanayan na kailangan ng mga kabataan para sa makabagong merkado, hindi lamang kinabukasan nila ang ating sinisira. Sinisira din natin ang kinabukasan ng bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 209,349 total reads

 209,349 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,022 total reads

 244,022 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 259,922 total reads

 259,922 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 296,412 total reads

 296,412 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 302,576 total reads

 302,576 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 209,350 total reads

 209,350 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 244,023 total reads

 244,023 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 259,923 total reads

 259,923 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 296,413 total reads

 296,413 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top